Juliana, iba ang naging BF, hindi si Andres… GOMA AT AGA, NAUDLOT ANG PAGIGING MAGBIYENAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 3, 2021

Mukhang masusubok ang pagiging ama ni Richard Gomez ngayong may boyfriend na ang unica hija niyang si Juliana Gomez.
Galing sa mayamang angkan ang BF ni Juliana na si Juan Miguel Bonnevie Bautista, isang Atenista at international athlete. Sumali na ito sa ilang fencing competitions abroad. Tulad ni Goma, mahilig din sa sports ang BF ni Juliana.
Marami naman ang curious malaman kung ano ang naging reaction ni Goma sa kumalat na photos ni Juliana at ng BF niyang si Miggy sa social media. Pagsasabihan ba ni Richard ang kanyang unica hija at kakausapin nang masinsinan ang BF nito?
Alam ng lahat na during his younger days at noong kasikatan niya bilang artista, marami ring naging GF si Richard bago pa nakilala at napangasawa si Congw. Lucy Torres.
For sure, ayaw na ayaw niyang masaktan sa larangan ng pag-ibig ang kanyang nag-iisang anak na inalagaan at minahal nila ni Lucy nang ilang taon.
Pero sa tingin ng mga netizens, mukhang matalino at smart si Juliana. Hindi siya ang tipo na madedehado at maghahabol sa lalaki. May self-confidence si Juliana at kahit hindi siya bantayan ng kanyang parents, alam niya ang tama at mali.
Marami naman ang nanghihinayang dahil mukhang hindi nagkagustuhan ang anak nina Aga Muhlach at Charlene na si Andres at si Juliana. Boto na sana si Richard kay Andres Muhlach para sa kanyang dalaga.





Comments