JULIA, UMAMING MAY AKTRES NA PINAGSELOSAN KAY COCO
- BULGAR
- Oct 20, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 20, 2023

Malaking pahulaan ngayon kung sino ang aktres na naugnay dati kay Coco Martin na pinagselosan ni Julia Montes.
Nang mag-guest si Julia sa Fast Talk with Boy Abunda, naitanong ng King of Talk ang tungkol sa selos isyu. Walang binanggit na pangalan si Julia pero may ilang viewers na nakasubaybay sa mga kaganapan sa buhay ni Coco Martin ang may alam kung sino ang aktres na pinagselosan niya.
Pero, isa 'yung short-lived romance at naputol nga rin kaagad. At dahil hindi bumitaw si Julia Montes, siya ngayon ang wagi sa puso ni Coco Martin.
Kitang-kita sa awra ngayon ni Julia na masayang-masaya ang kanyang love life at naipagpatuloy pa ang kanyang acting career.





Comments