JULIA, SA PAGKAIN IDINADAAN ANG LOVE KAY COCO
- BULGAR
- Aug 19, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 19, 2023

Proud na ipinakita ni Julia Montes sa kanyang Instagram page ang mga inilutong putahe na mechado at dinuguan.
Sa caption ay ipinaliwanag ng aktres na mahiyain siya kaya ‘service’ ang ikino-consider niyang love language at ito na nga ay ang ipagluto ang kanyang mga kaibigan at pamilya.
“I’m a very shy person, even showing my lambing sa tao, nahihiya ako. Kailangan pa ng dasal at lakas ng loob, kaya I consider that my love language is SERVICE… that’s why cooking for friends, co-workers and family is my happiness,” ang caption ni Julia.
Sa comment section ay puring-puri ng mga netizens and fans si Julia at siyempre ay hindi puwedeng hindi mabanggit ang rumored boyfriend ng aktres na si Coco Martin.
“Busog na naman si Pareng Coco,” sey ng isang netizen.
“Sa kitchen yata ni Coco ‘yan, Juls? Very lucky ni Coco, galing magluto ng chef niya,” komento naman ng isa pa.
“Para kay Coco Martin po ba ‘yan?” tanong naman ng isang IG user.
Habang ang isang fan naman ay todo-puri kay Julia dahil tila nasa aktres na nga ang lahat, “Parang si Juls lang among young actresses ngayon ‘yung napakagaling magluto, home buddy, magaling sa gawaing bahay, masinop sa pera, ‘yung wife material talaga. Wala akong maisip na iba na gaya niya. Partida, mahusay pa siyang aktres at napakagaling pang makisama. Tapos, Dean’s Lister din siya and napaka-low key niya. Ito talaga ‘yung role model na worth it hangaan. We love you, Juls.”
Actually, mahilig talagang magluto si Julia. Every now and then ay nagpo-post siya ng kanyang mga iniluluto at noon pa nga ay nagre-request na ang kanyang mga fans na sana ay magkaroon siya ng sariling cooking show.





Comments