Search
  • BULGAR

Julia, kabahan ka na… YAM, PINAG-IINGAT KAY GERALD

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 7, 2021




Marami ang nag-a-advise kay Yam Concepcion na mag-ingat sa katrabahong aktor sa seryeng Init sa Magdamag na si Gerald Anderson. May ugali raw kasi si Gerald na kapag nagbigay ng motibo ang isang babae ay tine-take advantage nito.


May nagsasabi ngang dapat daw na kabahan na si Julia Barretto dahil may angking karisma si Yam kung paano mapapaibig ang isang lalaki.


“'Yun na nga! Pero ang suwerte ni Julia kasi 'di naman niya katulad si Yam, so walang aasahan si Gerald kay Yam, lol.”


“Ramdam kasi nila na flop itong show due to him, kaya kailangan nilang iangat or pabanguhin ang image niya for their own sake. She has no choice but to say something nice. Any serye/movie na nandiyan si Gerald for the past years, flop."


“The feeling is mutual. Happy si Yam sa BF niya na hindi cheater."


“Nahuli na kasi. Lahat ng nakakatambal, nagiging girlfriend niya. Si Arci (Muñoz) lang ang malakas.


“Mukha rin namang hindi pa-avail si Ate Yam. Plus, di hamak na mas ok naman 'yung long-time BF niya kumpara sa isang Gerald lang.”


Ipinagtanggol naman ni Yam si Gerald. Aniya, hindi siya nababahalang makatrabaho ang aktor dahil napaka-gentleman daw nito.


'Kalokah naman ang komento ng isang ito, “Wala namang shampoo commercial si Yam kaya 'di 'yan type ni Gerald. Safe siya!”


Hahaha! May ganu'n?


By the way, how true na sa virtual presscon ng Init sa Magdamag na pinagbibidahan nina Gerald, Yam at JM De Guzman, may pinagbawalan daw ang moderator na isang reporter na nagtanong kay Gerald tungkol kay Julia?




0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.