JULIA AT JOSHUA, GAMIT NA GAMIT ANG LAMBINGAN TUWING MAY MOVIE
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 19, 2026

Photo: YT ABS-CBN Star Cinema
Matagal nang hiwalay sina Julia Barretto at Joshua Garcia, pero tuwing nagsasama sila sa pelikula man, endorsement o TV series, buhay na buhay pa rin ang kilig ng mga fans sa kanilang tambalan.
Open book naman na may 3 yrs. nang girlfriend si Joshua, ang French-Filipina golfer and entrepreneur na si Emilienne Vigier, habang si Julia, bagama’t wala pang kinukumpirma ay nali-link sa bayaw ni Erich Gonzales na si Lucas Lorenzo, younger brother ni Mateo Lorenzo.
Pero kapag nagsasama nga sina Julia at Joshua, parang biglang nakakalimutan ng mga fans nila na may kani-kanya na silang personal na buhay. Todo-kilig pa rin ang mga fans at bentang-benta sa kanila ang sweet gestures nina Joshua at Julia sa isa’t isa.
Tulad sa bagong movie ng JoshLia, ang Always Yours, Never Mine, sa promo pa lang, itinotodo na nina Julia at Joshua ang fan service matiyak lang na aabangan at susuportahan ng kanilang mga fans ang kanilang bagong project.
Pero dahil pareho namang kilalang magaling sa pag-arte sina Joshua at Julia, ‘wag sanang puro pakilig lang ang ibigay nila sa mga fans sa kanilang latest movie.
Mas gusto at inaabangan pa rin ng mga manonood ang pagle-level-up ng kanilang love team, ‘yung bago nilang io-offer na hindi pa napanood sa mga unang movies o TV series na kanilang pinagtambalan.
Deserve ng paying fans na mas malalim na pag-arte at pag-atake sa kanilang roles ang mapanood kina Julia at Joshua lalo’t napakamahal na nga ng presyo ng tiket sa sinehan.
At mas magiging matatag ang tambalang JoshLia kahit pa hindi naman sila magkarelasyon in real life kung mapapantayan o mahihigitan nila ang galing sa pag-arte nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, na tulad nila ay tanggap ng manonood tuwing magtatambal sa project kahit wala namang relasyon sa totoong buhay.
Well, ‘yan ang challenge kina Joshua at Julia, bukod sa makapag-establish ng kani-kanyang pangalan sa industriya at maging award-winning actors sa sarili nilang paraan nang hindi dumedepende sa love team.
Be a gentleman naman, ‘no?!
BUSINESSMAN NA DYOWA NGA SIKAT NA AKTRES, SOBRANG BABAERO, MAY PA-NDA SA MGA BABAE PARA WA’ PALAG

BLIND ITEM:
May kasabihang: “Walang lihim na ‘di nabubunyag.” Anumang baho ‘yan, sisingaw at sisingaw sa tamang panahon kahit ano pang pagtatakip ang gawin.
Ito siguro ang nararamdaman ngayon ng super rich businessman na dyowa ng isang sikat na aktres.
Nu’ng hindi pa kasi konektado sa showbiz ang rich businessman, may image pala itong babaero at alam na alam ‘yun ng mga kaibigan niyang hindi rin naman taga-showbiz.
Dahil madatung nga bukod sa ma-appeal din naman dahil matangkad ito, maraming girls ang hindi makatanggi sa kanya kapag natipuhan niya.
Ang siste, wala ngang tumatagal na seryosong relasyon ang rich businessman dahil ang kondisyon pala nito sa babae, kailangang pumirma ng NDA (yes, non-disclosure agreement). Oh, ‘di ba, negosyanteng-negosyante talaga ang datingan? Haha!
Ito ang style ng rich businessman para hindi matali sa iisang babae lang, at kung may matipuhan siyang iba, hindi makapalag ang kanyang karelasyon dahil may NDA nga sila.
Well, may ibang girls na payag sa NDA situation dahil iniisip nilang kapag nakatuluyan nila ang businessman ay paldung-paldo sila. Pero may ilan naman na hindi masakyan ang trip ng guy kaya after lang ng ilang dates nila, goodbye na!
Pero ngayong dyowa na ng sikat na aktres ang rich businessman, umaasa ang mga kaibigan nito na seryoso na talaga siya at tapos na sa pagiging chickboy.
Dapat naman, eh, magpakatino at maging gentleman siya, ‘no! Aba, panalo siya sa aktres na sikat at maganda na, eh, mabait at mapagmahal pa.
So, para siyang nakamina ng pot of gold kaya panalo siya!





Comments