Juday, Bea, Nadine, napuri… HEART, TINAWAG NA MAGNANAKAW NG KAMPO RAW NI MARIAN
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | April 25, 2026

Photo: Heart Evangelista at Marian Rivera - Instagram
Kani-kaniyang cheer ang mga faney sa kanilang mga idolo na um-attend sa event ng isang beauty clinic.
Patalbugan sa pag-cheer ang mga fans sa comment section ng mga posted pictures and videos sa Instagram na kuha sa naturang event.
Spotted sa event sina Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Bea Alonzo, Nadine Lustre, Heart Evangelista, Carla Abellana at iba pa.
Sey ng mga netizens…
“Ang bongga talaga, nag-iisang Queen Juday, ‘di rin nagpahuli sa ganda.”
“Bea Alonzo. Gorgeous as always.”
“Nadine Lustre, always stunningly gorgeous.”
And then, may nag-post din kay Heart, pero tinawag siyang “magnanakaw”, at in all caps pa, ha?
Sigaw ng nag-comment, “HEART EVANGELISTA, MAGNANAKAW!”
Feeling ng isa pang netizen, fan ni Marian Rivera ang nag-comment na magnanakaw daw si Heart.
Sey nito, “Mga tards ni Marian Rivera, LaOcean Deep (laos na). Trending ang jutak (utak) na sabaw. Frenny (kaibigan) ni Marianita si Sam Smith o karay-karay si SL. Jamming sila, eh.”
Grabe naman, devah?!
ISANG matamis na pagbati ang hatid ni Jessy Mendiola para sa mister niyang si Luis Manzano na nag-birthday last April 21. Forty-five na pala si Luis pero wala sa hitsura niya, ha?!
Ipinost ni Jessy ang series of photos ni Luis sa Instagram (IG) na ang caption ay: “Happy birthday, my love @luckymanzano. Thank you for being simply who you are, kind, loving and the one who makes everything feel lighter. Just like the song says, ‘I like me better when I’m with you.’ That’s exactly how it is with you. I’m so grateful for you. I love you.”
All-out support si Jessy kay Luis sa pagbabalik ng Kapamilya Deal or No Deal (KDOND) ng ABS-CBN.
In fact, isa si Jessy sa mga special guests sa espesyal na two-part birthday celebration ni Luis sa KDOND.
Bukod kay Jessy, kasama rin bilang panimulang bisita ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto ngayong Sabado.
At bukas, Sunday, susubukan naman ni Jodi Sta. Maria ang kanyang suwerte na mapili ang tamang briefcase.
Mas magiging exciting ang bawat episode dahil pipiliin ang celebrity player mula sa 20 Lucky Stars sa pamamagitan ng roleta. Kapag napili, kailangang magdesisyon ng celebrity player kung pananatilihin niya ang kanyang briefcase o ipagpapalit ito sa isa sa natitirang 19 habang hinaharap ang ultimate question na: Deal or No Deal?
Kasabay ng pagbabalik ng game show ay ang pagbabalik din ng original banker na muling susubok sa Lucky Stars sa pamamagitan ng kanyang nakakaakit na offers.
Huwag palampasin ang premiere ng Kapamilya Deal or No Deal simula ngayong Sabado (Abril 25) at Linggo (Abril 26), 7:30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel ng ABS-CBN Entertainment.




Comments