JUDAY AT MARIAN, TULOY ANG KITA KAHIT WALANG MOVIE
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 30, 2021

Iba ang level ng pagiging artista nina Judy Ann Santos at Marian Rivera. Kahit na may asawa't mga anak na sila at walang seryeng pinagbibidahan, mabentang-mabenta pa rin sila bilang product endorsers.
At ang nakakatuwa, kasama rin nina Juday at Marian ang kani-kanilang anak sa pag-eendorso.
Bibung-bibo si Luna ni Judy Ann. Ngayon pa lang ay makikita nang siya ang papalit sa trono ni Juday.
Si Baby Zia naman ni Marian ay lista at may kakaibang charm kaya gusto siya ng mga advertisers.
Ilang product endorsements na ang pinagsamahan nila ng kanyang Mommy Marian. Si Zia rin ang magmamana ng trono ni Yan-Yan.
Sa madalas na exposure nina Judy Ann at Marian sa mga TV commercials ay tumataas ang kanilang popularidad, kaya hindi sila basta mababalewala sa showbiz. Patuloy silang kikita kahit madalang mag-pelikula.





Comments