JRS Express, Official Nationwide Courier ng Korte Suprema
- BULGAR
- Feb 21, 2023
- 2 min read
Updated: Feb 25, 2023
ni Fely Ng @Bulgarific | February 21, 2023
Hello, Bulgarians! Ginanap kamakailan sa Ramada Hotel, Manila ang paggawad ng certificate of accreditation sa JRS Express ng Philippine Judiciary. Layunin ng Korte Suprema ng Pilipinas na lutasin at ihatid ang mga resolusyon sa mga kaso na iniharap sa kanila ng sambayanang Pilipino sa mabilis at mapagkakatiwalaang paraan, na nagsusulong ng tapat na serbisyo at pagbuo ng bansa – tulad ng kanilang opisyal na courier, ang JRS Express.

Alinsunod sa Administrative No. 242-A2022, o Accreditation, bilang Courier Service Provider ng Korte Suprema, ang mga pleading, motions, notices, orders, judgements at iba pang pagsusumite sa korte ay maaari na ngayong ipadala sa pamamagitan ng JRS Express. Ang mga may usapin o partido ay maaari ring magpadala ng mga dokumento sa hukuman tulad ng mga pleading at motion sa Korte Suprema gamit ang opisyal na courier.
Ang JRS Express ang nangungunang kumpanya ng courier para sa next-day delivery services sa Pilipinas. Ito ay 100% Filipino-owned business at 62 taon nang naglilingkod sa mga tao. Ipinagmamalaki ng JRS ang kanilang pagtutuon ng pansin sa pagbuo ng bansa nang walang shortcut, na may higit sa 450 branches na matatagpuan sa mga pangunahing bayan at lungsod sa lahat ng 7,000+ isla sa bansa.
“Our primary purpose is to connect people and products with utmost efficiency and affordability,” pahayag ni John Paul Claparols, Administrative Officer-JRS Business Corporation.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyo nito, kabilang ang pagpapadala ng mga dokumento sa korte, maaaring bisitahin ang website nito sa www.jrs-express.com.ph at ang mga social media pages nito sa Facebook at Instagram.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments