top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

JPS Zamboanga, nakabanat ng do-or-die semis sa VisMin Cup

BULGAR
Aug 6, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 06, 2021



Naipuwersa ng JPS Zamboanga City ang isang do-or-die semifinals: phase two matapos ang late fourth quarter surge kontra sa Petra Cement-Roxas Vanguard, 84-71, kagabi sa game 2 ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Pagadian City Gymnasium, Pagadian, Zamboanga del Sur.


Nagpakawala ng 13-0 blast ang Zamboanga City sa nalalabing 2 minuto ng fourth period kasunod ng muling pagtatangka ng Roxas Vanguards na agawin ang kalamangan at laro na kanilang inilunsad noong Game 1 na nagdala sa overtime victory sa Vanguards.


Hindi na muli pang pumayag ang trio nina dating 2004 NCAA MVP Gabby Espinas, dating Letran Knights NCAA Finals MVP Fran Yu at dating PBA veteran Jaypee Belencion na kumana ng tig-16 points, na huwag muling maagaw ng Vanguards ang panalo sa kanila para dalhin sa 1-1 ang best-of-three series.


Sumungkit din ng 7 rebs at 2 assists ang 39-anyos na dating 6-time PBA champion na si Espinas na nagsalpak ng mahahalagang 5-puntos sa pagsisigurong makuha ang panablang panalo, habang kumuha rin ng 8rebs, 3steals at 2 blocks si Yu.


“Ni-remind lang kami ni coach (Tony Pardo) na huwag ng isipin pa yung nangyari kahapon (Miyerkules ng gabi), sinabihan niya na lang kami na mag-bounce-back dahil masyado kaming nagpa-apekto sa mga non-calls,” saad ng dating team captain ng Letran Knights. “Kailangan lang na siguraduhin at i-maintain yung magandang ball movement at maayos na takbo ng floor movements.”


Nagtapos naman ang 1-2 punch ng Vanguards na sina James Castro at Ernesto Bondoc ng 17 pts at 1 6pts, ayon sa pagkakasunod.


Tinangka sa ikalawang gabi ng Roxas Vanguards na maghabol mula sa malaking kalamangan ng Zamboanga na paunti-unting tinapyas sa pamamagitan ng tiyagaang pagkamada ng puntos mula kina Najorda, Castro, John Casino at Chito Jaime na nagsimula sa 69-57, para dalhin sa tabla ang laro sa 71-71 kasunod ng 14-2 run sa nalalabing 2:14 minuto.


Napanatili ng Zamboanga City ang double-digit na kalamangan sa pagtatapos ng third canto sa 63-52 ng magsimulang mag-init si Mark Cardona.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page