top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Jowa, spoiled talaga… VICE, SHOPPING TO THE MAX SA TATE PARA KAY ION

BULGAR
Oct 20, 2021
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 20, 2021





Ine-enjoy pa ng It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez ang pamamalagi nila sa Amerika.


Sa latest uploaded video ni Ion sa kanyang YouTube channel, ipinakita ng dyowa ni Vice ang hotel na tinuluyan nila sa Los Angeles after ng soldout concert sa San Diego’s Pechanga Resort Casino ng It’s Showtime host kung saan ang special guest niya ay si Angeline Quinto.


Sa hotel na tinuluyan nina Vice ay paulit-ulit binanggit ni Ion na taga-Pampanga rin ang nakatsikahan niyang staff sa resto nito. Feeling proud si Ion na isang kababayan ang nagwo-work sa kilalang hotel sa Los Angeles.


“Ang takaw mo naman, Cabalen,” ang sabi raw sa kanya nu’ng staff nu’ng kumuha siya ng food para sa free breakfast ng hotel.


Pagkatapos ay sinimulan na nina Vice at Ion ang kanilang first day-out in LA. Namasyal ang grupo nina Vice at Ion kasabay na rin ang pamimili nila sa mga sikat na designer shops doon kasama ang ilan pang kaibigang komedyante at staff ng Unkabogable Star.


Pagkatapos mamili at mag-dinner, bumalik na sila sa hotel. At makikita ang sandamakmak na ipinamili ni Vice. For sure, ipinag-shopping niya si Ion sa LA. And why not, chocnut?


'Yung susunod na vlog ni Ion, ipinakita naman na nagpunta sila sa isang tindahan ng mga high-end na motor sa LA. Manghang-mangha si Ion at ‘di raw niya malaman kung ano ang uunahin niyang tingnan sa dami ng magagandang tindang motor sa shop.


Sa comment section ng vlog ni Ion ay maraming netizens ang napa-“sana all” sa relasyon nina Vice at Ion.


“Sana all ok na lahat…ingat VI d'yan sa LA. Para na rin kaming nag-tour sa panonood ng vlog n'yo. Salamat."


“Amazing shopping spree with Ion and “Meme” Vice Ganda. LA is a beautiful place to visit by the tourists from all over, only not detailed like your dinner. More to come. Cheers!”


Samantala, nag-emote ang ibang netizens na umuwi na ng 'Pinas si Vice dahil nami-miss na siyang mapanood sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.


“INGAT VICEION!!! MISS NA NAMIN KAYO!!! VICEION FOREVER!!!"


Sa true lang, missed na ng madlang pipol si Vice especially ‘yung batuhan nila ng joke ng iba pang It’s Showtime hosts at ng mga hurado sa ReiNanay na sina Janice de Belen, Gelli de Belen at Ruffa Gutierrez.


Siyanga pala, magandang pasalubong kay Vice pagbalik niya sa bansa ang award na napanalunan niya sa 34th PMPC Star Awards for Television bilang Best Male TV Host.


Bukod kay Vice, winner din ang kapwa niya host sa It’s Showtime na si Amy Perez as Best Female TV Host.


And last but not the least, nanalo rin ang It’s Showtime as Best Variety Show.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page