JOSHUA, UMAMING NAUDLOT ANG BALIKAN NILA NI JANELLA
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 25, 2023

Ibinalita ni Joshua Garcia na na-move pala ang teleseryeng pagsasamahan nila ni Janella Salvador under Dreamscape Entertainment. Noong June pa nga napabalita ito at inaabangan na ng kanilang mga fans.
Sa mediacon ng bagong pelikula ni Joshua na Fruitcake last Saturday na ginanap sa Resorts World Manila ay isa ito sa mga naitanong sa aktor ng entertainment press na dumalo.
“Na-move. Sadly, na-move,” ani Joshua.
Dagdag niya, “Actually, nalungkot ako nu'ng na-move siya kasi naka-set na lahat ng schedule, eh.
So, kung may mamu-move, parang nag-a-adjust lahat. Alam mo ‘yun? Gets mo ba ‘yun?
Parang domino effect niya sa mga ibang schedule.”
Hindi na sinabi ni Joshua ang reason kung bakit na-postpone ang serye o kung may balak bang ituloy ito na dapat sana’y pangatlong pagsasama na nila ni Janella.
Samantala, after doing heavy drama projects, medyo light naman for Joshua ang barkada movie na Fruitcake at ayon sa aktor ay masaya siya na makagawa ng ganitong klaseng pelikula na hindi mabigat at kahit sa set ay enjoy-enjoy lang daw silang lahat.
Pero siyempre, mahirap din daw for him ang comedy dahil mas mahirap magpatawa kaysa magpaiyak.
“That’s why, challenge talaga ito para sa akin,” he said.
Produced by Cornerstone Studios and Create Cinema, kasama rin sa Fruitcake sina Enchong Dee, Ria Atayde, Heaven Peralejo, Dominic Ochoa, KD Estrada, Jane Oineza, Empoy Marquez, Queenay Mercado, Alex Diaz, Markus Paterson, Noel Comia Jr., Victor Anastacio, Kat Galang, Macoydubs, Red Ollero, Kaila Estrada, at Karina Bautista.
Ito’y mula sa direksiyon ni Joel Ferrer na siya ring nagsulat ng script kasama si Miko Livelo.
Hindi pa sinabi ang playdate ng movie pero ang hula namin ay plano nilang isali sa Metro Manila Film Festival 2023 dahil Christmas season daw nila ito balak ipalabas.





Comments