Joshua, miss na miss na raw… IPE, GAME GAMPANAN ANG PAGIGING AMA SA ANAK KAY KRIS
- BULGAR
- Jun 9, 2024
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 9, 2024

Miss na miss na ni Phillip Salvador ang anak niya kay Kris Aquino na si Joshua. Ito ang inamin ng aktor sa ilang malalapit na kaibigan.
Aware si Phillip na marami ang namba-bash sa kanya dahil natiis daw nitong hindi makasama ang anak sa matagal na panahon at ipinaubaya na lang kay Kris ang pag-aalaga kay Joshua.
May sakit si Kris at ngayon dapat iparamdam ng aktor sa kanyang anak ang kagustuhan niyang makasama ito. Ngayon kailangan ni Joshua ang kalinga ng isang ama lalo’t wala na rin ang kanyang Tito Noynoy Aquino.
Well, handa naman si Kuya Ipe na gampanan ang kanyang tungkulin bilang ama kay Joshua. Natatandaan namin noon na madalas niyang isama si Joshua sa Star Olympics.
Naging problema lang niya ay natigil ang pagpapahiram sa kanya ni Kris ‘pag gusto niyang kunin si Joshua.
Lagi raw kasing isinasama ni Kris si Joshua kapag may lakad ito at upang hindi na lang sila magkaproblema at mag-away ng ex-GF ay hindi na nangulit si Phillip na hiramin si Joshua.
Unfair na husgahan si Kuya Ipe na iresponsableng ama. Sabik na rin siyang makasama si Joshua lalo na’t binata na ito. Ten years na silang hindi nagkikita, kaya’t wish ni Kuya Ipe na pumayag na si Kris Aquino na magkasama silang mag-ama.
AMINADO si Coleen Garcia na ilang beses na niyang gustong bumitaw at sumuko nang magkaroon ng problema ang pagsasama nila ni Billy Crawford.
Feeling ni Coleen ay napagod na siya kaya gusto na niyang mag-give-up. Pero si Billy ang talagang kumapit at hindi pumayag na maghiwalay sila. Ginawa raw ni
Billy ang lahat upang maisalba ang kanilang marriage at pinayuhan din siya ng mister na ‘wag basta susuko at ipaglaban ang kanilang relasyon.
Kaya naman, naka-survive sila sa mabibigat na pagsubok sa kanilang buhay.
Lumakas ang loob ni Coleen dahil kay Billy at kumuha rin siya ng lakas sa anak nilang si Amari. Nagpasalamat si Coleen sa mister dahil hindi siya sinukuan noong gusto na niyang makipaghiwalay.
Ngayon, kahit na ano pa ang dumating na pagsubok sa kanilang relasyon ay patuloy siyang kakapit at ipaglalaban ang kanilang marriage at pati sa kanyang career ay hindi siya magpapaapekto sa mga intriga.
NAGHIWALAY na rin pala dati sina Mika dela Cruz at Nash Aguas bago sila nagpakasal. Ito ay nangyari noong six years na silang magkasintahan at nagkaroon sila ng problema sa kanilang relasyon. Matagal silang hindi nagkita at nagkausap.
Humingi naman ng sign si Mika kung itutuloy pa ang relasyon nila ni Nash at ito raw ba ang lalaking dapat niyang pakasalan at makasama habambuhay.
Ang siste, bigla na lang silang nagkita sa ilang okasyon na hindi inaasahan at nang siya ay mag-birthday after ng breakup ay bigla na lang dumating si Nash. ‘Yun na ang naging sign na si Nash ang nakatakda niyang pakasalan.
TIYAK na exciting at kaabang-abang ang paghaharap ng dalawang veteran actresses na sina Pilar Pilapil at Odette Khan sa top-rated afternoon soap na Abot-Kamay na Pangarap (AKNP).
Gaganap si Pilar bilang si Madam Chantal, ang ina ni Moira (Pinky Amador).
Samantala, si Khan ang nanay naman ni Lyneth (Carmina Villarroel).
Sa teaser ng AKNP, may banta si Odette kay Madame Chantal na ‘wag nitong sasaktan si Lyneth dahil siya ang makakalaban nito.
Kung masama at palaban ang karakter ni Pilar, mas palaban naman si Odette.
Siguradong marami pang big stars ang papasok sa Abot-Kamay na Pangarap. Ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ay gusto ring makapag-guest sa serye ni Jillian Ward habang nandito siya sa ‘Pinas.
Isa si Ai Ai sa mga judges sa singing reality show na The Clash ng GMA-7.
Comments