top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

JOSHUA, IBINULGAR ANG MGA PINAG-UUSAPAN NILA NI IVANA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 15, 2021





Marami ang nag-aabang kung ano na ang update sa pagitan nina Ivana Alawi at Joshua Garcia matapos ngang aminin ng una na crush niya ang huli.


Hanggang ngayon nga kasi ay pinag-uusapan pa rin ito lalo pa nga’t nagbigay ng reaksiyon si Joshua kamakailan na nakakadagdag daw ng confidence na malamang may humahanga sa kanya at open naman daw siya na maging friends sila ni Ivana.


Sa recent virtual mediacon ng seryeng Viral Scandal na pinagbibidahan nina Joshua at Charlie Dizon ay natanong ang aktor kung nakapag-usap na ba ulit sila ni Ivana.


“Well, hindi pa ulit kami nakakapag-usap. Usually kasi, ‘yung usap namin sa DM, like for example, nakita niya ‘yung story ko, nabisita ko ‘yung story niya, tapos biglang nakaagaw ng attention ko, nakaagaw ng attention niya, ‘yung ganu’n lang. So, mga small talks lang din. ‘Yun lang naman,” sey ni Joshua.


Samantala, ang Viral Scandal ang first TV series ni Joshua ngayong pandemic at aminado ang aktor na talagang nanibago siya sa first locked-in taping nila.


“Ewan ko, pagkagaling ko ng pandemic, alam mo ‘yun, pagkatapos kong makulong, parang sobrang tahimik ko na bigla paglabas ko. So, nahirapan din ako na mag-adapt sa mga tao agad.


“So, nu’ng nagsimula kami ng Viral, medyo na-awkward ako kay Charlie pa. Nahihiya ako, alam mo ‘yun? Tapos, ‘yung mga eksena, medyo nate-tense ako,” kuwento ni Joshua.


Singit naman ni Charlie, ang bibigat daw kasi agad ng mga unang eksena nila na inayunan naman ni Joshua.


“At first, nakaka-tense, pero eventually, nu’ng habang tumatagal, ngayon pang-4th cycle na namin ‘yung susunod na pasok namin, nu’ng 3rd cycle, sobrang nalaman ko na okay na, wala na ‘yung wall before nu’ng nagsisimula kami. Ano siya, eh, unti-unti,” dagdag ni Joshua.


Magsisimula na ang airing ng Viral Scandal ngayong Monday, Nov. 15, sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page