JOSHUA, AMINADONG NAHIRAPAN KAEKSENA SI CHARLIE
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 28, 2021

Sa latest family dramang Viral Scandal, ipinapakilala ang bagong tambalan na sina Joshua Garcia at MMFF's 2020 Best Actress na si Charlie Dizon.
Hindi sa serye unang nagkatagpo sina Joshua at Charlie dahil nag-meet na sila sa commercial ng isang local telecom company.
Sa isang panayam kay Joshua, sinabi nitong impressed siya sa acting na ipinamalas ni Charlie sa Viral Scandal.
“Wala akong masabi kay Charlie, napakagaling at napakaganda. Wala akong masabi, napakagaling niya and nagagawa niya 'yung trabaho niya. Okay siya behind the camera, okay siyang maging kaibigan, okay siyang maging pamilya,” sey ng aktor.
Bago pa man daw ang kanilang locked-in taping, pinaghandaan na ni Joshua ang kanyang acting dahil Best Actress nga naman ang kanyang makakasama.
“Actually, nahirapan ako kay Charlie, magaling, eh. Ginawa ko lang 'yung trabaho ko. Binasa ko nang maigi 'yung script, hinimay ko nang maayos. Ang dami kong pinanood about architecture para magkaroon ako ng background sa pagiging architect.
"I think, ang sikreto rin para maging successful 'yung isang show is to support each other. So 'yun lang 'yung ginagawa ko. Sinusuportahan ko si Charlie 'pag kaeksena siya and so far naman, nagwo-work naman,” pahayag ni Joshua.
Sa nasabing teleserye, tatalakayin ang mga issues ng mga online scandals kung saa'y naging biktima si Charlie ng malicious viral video.
Joshua said he is not the type to be part of 'cancel' culture.
“Iba-iba kasi 'yung tao, eh. I think 'yung pagkansela nila sa tao, opinyon nila 'yun and ako, marespeto ako sa opinyon ng ibang tao. So, kahit ano pa 'yung desisyon nila or opinyon nila, inirerespeto ko 'yun basta irespeto rin nila 'yung desisyon ko at opinyon ko,” katwiran ng aktor.
Nagbigay ng mensahe ang aktor lalo na sa kanyang mga fans na nabibiktima ng ganitong online scandal kung saa'y payo ni Joshua, people should really watch out who to trust online.
“Siguro, ang maibibigay ko lang na payo sa kanila, mag-ingat sila sa paligid nila. Kasi siyempre, ang hirap ding magtiwala ngayon, eh. Hindi mo alam kung sino 'yung puwedeng sumaksak sa ‘yo patalikod, eh. So, dapat mag-ingat tayo, alamin natin 'yung tamang kaibigan.
Wala, eh, nasa mundo tayo na puno ng judgment, so hindi maiiwasan talaga 'yung ganu'n, eh. Mag-ingat na lang talaga sila."
Mapapanood ang Viral Scandal sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, and TFC IPTV.





Comments