top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

JOSHUA, 2 TIKTOK VIDEOS LANG, 93.9 M VIEWS NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 05, 2022




Marami ang nagsasabing si Joshua Garcia na ang TikTok King dahil humakot na siya ng 93.9 M views sa dalawang beses pa lang na pag-a-upload ng video. Binulabog umano ng aktor ang TikTok world.


Ang unang TikTok video niya ay humakot agad ng 68.1 M views at 6.7 likes at 158,600 comments.


Wala pa raw masyadong ipinakikitang husay sa pagsasayaw si Joshua sa lagay na ‘yan.


At ang second video entry daw nito ay agad-agad ding humamig ng 25.8 M views sa loob lang ng isang araw.


Kung tutuusin daw ay wala pa rin itong masyadong ginawa kundi mga kamay at kaguwapuhan lang talaga ang pinairal sa pagsasayaw.


Kahit ganu’n lang ang ginawa ng aktor, marami pa ring millennial ang nagpa-follow sa kanya. Humakot na rin agad ito ng 4.4 M likes, 165,300 comments.


Ilan sa mga komento na aming nabasa ay…


“Heto na naman tayo. Nagpapa-budol kay Joshua!”


“Ang galing, bagong trend na naman na magba-viral.”


“A true trend setter. Pumila naman kayo.”


“Please, apakan mo ako. Kahit maging katulong mo lang ako.”


“Okey, buo na ang 2022 ko!”


Ang aktor ay may regular na ring 3.3 M followers at 11.1 M na rin ang nag-like sa TikTok niya.


Iba talaga ang charisma ng actor. Imagine, kung ang iba ay hirap magpaabot ng milyones na tagasubaybay, aba’t si Joshua, 2 videos pa lang ang naa-upload ay umabot agad ng 93.9 milyon ang mga nanood?


At ang komento-reaksiyon ng mga followers niya ay umabot na rin sa 323,900, ha!

Sabagay, wala namang duda, ang guwapo naman kasi ng aktor at ang bait pa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page