top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Jordan-B binomba ng Gilas Ravena, bokya sa laban

BULGAR
Jul 30, 2021
1 min read

ni MC - @Sports | July 30, 2021



Pinangunahan ni Dwight Ramos ang atake ng Gilas Pilipinas para durugin ang Jordan-B tungo sa 90-63 victory nitong Miyerkules ng gabi sa King Abdullah Cup sa Prince Hamza Hall sa Amman. Pumutok ang three points shooting ng Fil-Am guard kung saan tumarak ito ng pitong triples sa first half upang pangunahan ang Gilas sa kanyang ikinamadang 21 points, 6 assists at 3 rebounds para sa maagang 18-point lead ng Pilipinas, 44-26.


Patuloy na pumapasok ang 3 points para sa Pilipinas para tambakan ang Jordan ng mahigit 31 points sa 4th quarter, 90-59.


Hindi nagpahuli si Justine Baltazar na may 3-sa-4 sa rainbow region at kumamada ng 13 points habang sina Jordan Heading ay may 11 points, Carl Tamayo, 8; at Rey Suerte, 8 points. Bokya ang puntos ni Kiefer Ravena na import ng San-En NeoPhoenix sa laban dahil kapos ang mga tirada nito kaya maagang inilabas sa laban. Hindi mapapasama sa standing record ang laban kontra Jordan Team B sa five-nation, six-squad tourney.

Hawak ng Gilas ang 1-1 record at sunod na haharapin ang Tunisia na hanggang ngayon ay wala pa ring talo sa dalawang laban. Magsasagupa ang Gilas at Tunisia sa July 30, 12 am.


Nanguna para sa Jordan B si Ahmad Obeid na may 14 points, 6 rebounds, at 2 assists, habang si Ibrahim Hamati ay may 10 points at five dimes sa naging pagkatalo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page