Join sa serye nina Janine at Paulo… SUNSHINE, BABU SA SIYETE, PASOK SA DOS
ni Nitz Miralles - @Bida | April 21, 2021

Si Lovi Poe ang hula sa blind item na Kapuso actress na lilipat sa ABS-CBN, pero si Sunshine Dizon pala ang tinutukoy. Nilinaw nga lang ng GMA Network na hindi nila ni-renew ang kontrata ng aktres sa dahilang hindi na binanggit.
Hindi rin naman mababakante si Sunshine dahil may gagawin agad siyang teleserye sa Kapamilya Network kasama sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Interesting ang cast ng teleserye dahil pare-pareho silang galing sa GMA-7 at ngayon, magkakatrabaho sa ABS-CBN.
Parang reunion nina Sunshine at Janine ang pagsasamahan nilang teleserye sa ABS-CBN dahil nagkasama rin sila sa Villa Quintana ng GMA-7.
Samantala, may mga na-curious kung bakit si Lovi ang naisip ng mga netizens na lilipat sa ABS-CBN. May mga projects naman siya sa GMA-7 at airing nga ngayon ang Owe My Love.
Lilipat nga kaya si Lovi sa ABS-CBN?





Comments