Join na rin sa 2022 elections.. ARCI, KONSEHAL; RAYMOND, SENADOR
ni Nitz Miralles - @Bida | October 2, 2021

Ang daming taga-showbiz na papasok sa pulitika at tatakbo sa iba’t ibang posisyon sa 2022 national elections.
Nasulat nang tatakbong vice-governor ng Oriental Mindoro si Ejay Falcon at tatakbong konsehal sa District 2 ng Pasig City si Angelu de Leon.
Pati pala si Bobby Andrews, tatakbong konsehal sa fourth district ng Quezon City.
Si Arci Muñoz, tatakbong konsehal sa Cainta, Rizal at kaalyado si Alvin Patrimonio at tatakbo sila sa ilalim ng LAKAS-CMD.
Sa partidong LAKAS-CMD din tatakbo si Alma Moreno bilang konsehal ng Parañaque City.
Ang tsinetsek namin kung legit ay ang balitang tatakbong senador si Raymond Bagatsing at kaalyado raw ni Bongbong Marcos na tatakbong presidente. May nakita na kaming parang poster ni Raymond online at nakalagay ang “Raymond Bagatsing Senator 2022, Basta Bagatsing, Magaling.”
Nagtatanong ang mga netizens kung legit ang balitang tatakbong senador si Raymond dahil wala naman daw nabalita.
Kung totoo at hindi fake news na tatakbong senador si Raymond, tinalo niya ang ibang taga-showbiz sa posisyon na kanyang tatakbuhan.





Comments