top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

JOHN LLOYD, WANTED KAY CARIDAD SANCHEZ

BULGAR
May 29, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 29, 2021




Ayon sa ilang malalapit na kaibigan ng veteran actress na si Caridad Sanchez, gustung-gusto raw nitong makita at makausap si John Lloyd Cruz.


Matagal silang nagkasama noon ni Lloydie sa seryeng Tabing Ilog at naging close sila. Itinuring na ni Tita Caring na apo si JLC at noon pa ay sinasabi na niya na magaling na aktor si John Lloyd at sisikat ito nang husto.


Nangyari nga ang lahat, at si Caridad Sanchez ang unang natuwa sa tagumpay ng aktor.

Kahit hindi na sila muling nagkasama pa sa mga sumunod na projects ni JLC, patuloy na sinusubaybayan ni Tita Caring ang career ni John Lloyd.


Aware naman si JLC sa sitwasyon ngayon ni Caridad Sanchez. Gustung-gusto rin niyang makita, madalaw at makumusta ang veteran actress na may dementia na ngayon. Nag-usap na sila ni Paolo Contis at nagplanong dadalawin nila ang kanilang Lola Caring. Pero dahil sa edad at kalagayan ngayon ng veteran actress, may nagpayo kina John Lloyd at Paolo na ipagpaliban muna ang pagdalaw.


Hindi pa rin kasi nababakunahan ng COVID vaccine si Tita Caridad kaya hindi basta puwedeng lapitan ng hindi niya kaanak at kasama sa bahay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page