JOHN LLOYD, UTANG NA LOOB SA ANAK NILA NI ELLEN ANG BUHAY NIYA
ni Nitz Miralles - @Bida | May 17, 2021

Ang sarap pakinggan ng mga sagot ni John Lloyd Cruz sa tanong sa kanya ni Ceasar Soriano kung gaano niya kamahal ang anak nila ni Ellen Adarna na si Elias.
Tanong ni Ceasar, "Gaano mo siya kamahal? Siya ba ang mundo mo ngayon?"
“Ang anak ko talaga, ‘yun ang teacher ko. Malaki ang papel noon sa kung bakit ako ay nandito pa ngayon. Malaki ang papel niya kung bakit bumabangon ka, nagsusumikap ka. Kaya naku, malaki ang utang ko... utang ko ang buhay ko sa anak ko. Kung wala ang anak ko, baka wala na rin ako rito,” sagot ni John Lloyd.
Sayang at hindi namin narinig ang sagot ni John Lloyd sa tanong kung paano tinatanggap na may komplikasyon (sa pagiging ama niya siguro, dahil hiwalay na nga sila ni Ellen Adarna).
In the same interview, nabanggit ni John Lloyd na nakatira siya sa parents niya at kapag nasa kanya si Elias, sa bahay ng parents niya sila nag-i-stay. Kapag naman wala sa kanya ang anak, may bahay siya na para sa kanya lang.
Samantala, pagkatapos na formal na i-announce na talent na si John Lloyd ng Crown Artist Management nina Maja Salvador, Rambo Nuñez, Rambo’s mom Marilen Nuñez at dalawa pang kasama, inaabangan na ang mga projects na ibibigay ng bago niyang management sa nagbabalik na aktor.
Wishing ang fans ni JLC na matuloy na ang reunion movie nila ni Bea Alonzo sa Star Cinema.





Comments