top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

JOHN LLOYD, IPINAKIUSAP NI WILLIE SA BOSSING NG KAPAMILYA PARA SA KAPUSO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 13, 2021
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 13, 2021





Mainit ang pag-welcome ni Willie Revillame kay John Lloyd Cruz bilang isang Kapuso nang mag-guest ang aktor last Friday sa Wowowin.


Matatandaang nang una kasing mag-guest si Lloydie sa Shopee Special last June na ang TV host din ang nag-arrange, hindi pa official na Kapuso ang aktor.


“Welcome sa Wowowin at welcome sa bago mong tahanan of course, dito sa GMA-7, welcome!” sabi ni Willie kay Lloydie.


Nagpasalamat naman ang aktor kay Willie na siyang taong naging dahilan daw ng kanyang pagbabalik.


“Kung hindi dahil sa ‘yo, hindi lalakas ang loob ko. Kung hindi dahil kay Direk Bobot (Mortiz), hindi mabubuo ‘yung kumpiyansa na bumalik. Kung hindi dahil sa pamilyang nabuo namin nina Direk Bobot, ‘di ba, hindi mabubuo ‘yung nag-udyok sa akin na bumalik at magtrabaho ulit,” sabi ni Lloydie.


Ni-recall ni Willie na dumaan sila sa butas ng karayom ni Lloydie para maging smooth ang paglipat nito. First thing ay nagpaalam daw muna sila sa ABS-CBN president na si Carlo Katigbak.


“I’m thankful to Mr. Carlo Katigbak dahil ipinagpapaalam kita, naalala mo? Siyempre, ‘yung respect natin sa kanila, na sabi ko, magiging guest ka sa Shopee, and then, okay naman. In fairness to Mr. Carlo Katigbak, napaka-gentleman, dignified na tao. ‘Willie, wala naman kaming (magagawa), hindi ko naman siya puwedeng pigilan. Siya naman ang puwedeng magdesisyon niyan.’


“Kaya Carlo Katigbak, Sir, maraming salamat. Now he’s part of… dito na, magkasama na kami, with of course, your permission,” sabi ni Willie.


Mahaba ang oras na ibinigay ni Willie kay Lloydie para na rin makapag-promote ito ng sitcom nito sa GMA-7 na Happy ToGetHer na magsisimula na sa Dec. 26.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page