Join kina Dingdong at Paolo… JOHN LLOYD, BALIK-GMA-7

ni Nitz Miralles @Bida | September 27, 2026

Photo: Dingdong Dantes, Paolo Contis at John Lloyd - GMA-7_IG _paolocontis
Na-curious ang mga nakakita sa photo nina John Lloyd Cruz (JLC), Paolo Contis at Dingdong Dantes. Para saan daw ang pagkikita-kita ng tatlo at saan sila nagkita-kita dahil minsan nga lang itong mangyari.
May nag-comment na hindi raw kaya nag-guest si JLC sa The Master Cutter? Posibleng special guest siya dahil malapit nang magtapos ang action series ni Dingdong kung saan kasama niya si Paolo.
Ipinost ni Paolo ang photo at may nagtanong kung kasali na ba si JLC sa nabanggit na series? Hindi nga lang sumagot ang aktor, pero intriguing ang caption nito sa photo na: “An hour and a half later.”
Kung magge-guest man si JLC sa natitirang episodes ng MC, parang paunang paramdam niya ito sa Kapuso viewers dahil muli siyang gagawa ng comedy show sa GMA-7.
Samantala, matindi ang mga eksena sa last three weeks ng series at isa ito sa mga dahilan kung bakit pansamantalang iniwan ni Dingdong ang pagho-host ng Family Feud (FF). Si Michael V. ang guest host ng show at nag-e-enjoy ang mga viewers sa kanya at sa mga punchlines niya.
Ang request ng mga fans, sa last day ni Michael V., sana raw ay magsama sila ni Dingdong para mas masaya.
Sikat na sikat kahit saan magpunta…
WILBERT, NASAPAWAN NA ANG MGA VIVA STARS
Nakakatuwang pakinggang nagta-Tagalog ang Thai actor na si Mario Maurer na sumusuporta sa promo ng Viva Films movie na Pee-Mak (The Philippine Adaptation). Inimbita nito ang mga fans na panoorin ang adaptation ng hit movie niya noon sa Thailand kung saan siya ang lead actor.
Sa adaptation ng Viva, si Wilbert Ross ang gaganap sa karakter ng Thai star at special mention siya ni Mario.
Kinongratyuleyt niya ito at ang buong cast ng movie. Alam daw niyang mag-e-enjoy ang mga moviegoers at totoo naman dahil trailer pa lang ng movie ni Direk Victor Villanueva, natawa na kami.
Ipinaalala ni Mario na sa October 14 na ang opening ng movie.
Kikiligin dito si Wilbert dahil ang tingin ng mga fans, magkamukha sila ni Mario at hindi lang isa ang nagsabi. Para raw silang pinagbiyak na bunga at gusto sana ng mga fans na magkita nang personal ang dalawa.
Ang request nga nila sa Viva Films, imbitahan si Mario sa premiere night para na rin makilala ang Pinoy cast ng movie at mapanood na rin.
Binigyan ng Pinoy flavor ni Direk Victor ang Pee-Mak, kaya mas lalong makaka-relate ang mga fans.
Ang funny ng cast lalo na sina Gian Bernardino at TJ Valderrama.
Speaking of Wilbert, nalalampasan na nito ang ibang Viva stars kung popularity ang pag-uusapan. Kahit saan ito magpunta ngayon, dinudumog ng tao at siguradong sold-out ang ticket sa concert niya sa Cebu at Davao sa October.
INAKALA ng mga nakakita sa wedding photo nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na para ito sa film entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF) na Amir. Inisip ng mga fans na baka kasama na sa cast si Jennylyn at hindi pa lang ina-announce.
Kaya lang, may nag-comment na para sa bagong endorsement nila ang wedding photos. Binanggit ng mga fans ang Skyro Philippines na ipino-promote ng mag-asawa. Digital app ito na puwedeng mag-cash loan, digital credit, installment shopping at iba pang services.
We visited the Instagram (IG) account of the company at may nakita kaming publicity material at reels ni Dennis endorsing it. Dahil effective ang concept nina Dennis at Jennylyn to promote the company at marami ang na-curious, hindi kataka-taka kung maraming nag-download ng app.
Speaking of Dennis and Jennylyn, pareho silang busy sa kani-kanilang career. Napapanood pa rin sa The Master Cutter si Jennylyn at si Dennis naman, nagte-taping ng Hari ng Tondo at tapos na sa shooting ng Amir. Pinaaabangan na nito ang movie sa December bilang bahagi ng 2026 MMFF.





Comments