top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

John, gets mo 'yun? JANICE: KUNG AYAW NILA NG DIVORCE, LET’S CRIMINALIZE INFIDELITY

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2024
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 24, 2024



Showbiz Photo


Naglabas ng kanyang pananaw ang aktres na si Janice de Belen sa X (dating Twitter) tungkol sa pagli-legalize ng divorce sa bansa. 


Post ni Janice, “Kung ayaw nila ng divorce, let’s criminalize infidelity (curious emoji).”


Marami ang nag-react sa ishinare ni Janice sa socmed (social media). Agree ang ibang netizens at meron ding naglabas ng legal points nila sa post ni Janice.


May nagsasabi na meron na raw batas tungkol sa adultery at concubinage.


Sey ng mga netizens…


“Matagal na pong criminal offense ang infidelity.”


“Meron na po, ‘di ba? Nalaman ko ito kakanood ko dati ng Tulfo, eh. Pero true, puwede mong ipakulong ang nagtaksil na asawa (note, asawa not puwede ‘yung jowa lang).”


“Meron, pero more in favor sa lalaki, eh. Check mo adultery vs. concubinage. Sobrang unfair (laugh emoji).”


Ayon sa Article 333 of the Revised Penal Code, a woman can be charged with adultery if she has sexual intercourse with a man who is not her husband. Habang ang concubinage naman ay isang offense kung saan ang married man has sexual intercourse with a woman not his wife under scandalous circumstances.


May mga netizens din ang naka-feel na may kinalaman ang ex-husband ni Janice na si John Estrada sa kanyang ipinost.

Sey ng mga netizens…


“Rigor (karakter ni John Estrada sa FPJ’s Batang Quiapo) is shaking.”


“Award, OMG (Oh, my God). Yes, Miss Janice. Tell them! (kiss emoji).”


Negatibong komento naman ng isang netizen, “Bitter naman nito, matanda na.”


Well, open naman si Janice sa pagtsika na until now ay hindi sila okay ni John, kaya may mga ganyang haka-haka rin ang mga netizens kay Janice.



Muling nagkaayos ang dating magkasintahan na sina Dudong at Bibe na sumali sa EXpecially For You ng It’s Showtime noong Sabado.


Nakakuha ng tig-isang green flags ang searchee na sina Ed, Jim at John na naging dahilan para muling tanungin ng It’s Showtime host ang ex-boyfriend ng searcher na si

Dudong kung sino ang tingin niya na nararapat sa kanyang ex-girlfriend na si Bibe. 


“Okay, for the very first time in the history of ABS-CBN’s Its Showtime EXpecially For You, dahil lahat may green flag, isasama natin ang iyong ex,” sey ng It’s Showtime host na si Vice Ganda. 


Tinanong pa ni Vice ang searchee na si Bibe kung pipiliin pa rin ba niya si Dudong kung kasama ang ex-boyfriend niya sa mga pagpipilian.


Sagot ni Bibe, “Si Dudong na lang ulit. Lahat naman sila, okey sa ‘kin. Kaya lang, napag-isip-isip ko, si Dudong, alam na niya ang ugali ko, alam na niya ang ugali ko kung paano ako maging moody, kaya napag-isipan ko na why not na pagbigyan ko naman ulit ‘yung pagmamahalan namin na pinutol ko.”


Well, umayon naman si Dudong sa kanyang ex-girlfriend.


Hindi lang ang audience sa It’s Showtime studio ang kinilig sa pagbabalikan nina Dudong at Bibe, maging sa socmed ay pinag-usapan ito at kinilig ang mga netizens.


Ilan sa mga komentong nabasa namin…


“Sorry!!!! ‘Di n’yo kaya ang biggest plot twist on national TV!!!! Taob lahat ng love teams!”


“‘Yung nanay kong 76 years old na at kinikilig habang nanonood ng EXpecially For You sa love story nina Bibe at Dudong.”


“Grabe, naiyak ako ru’n! Ganda ng episode na ‘to.”


‘Yun, oh!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page