top of page
Search
  • BULGAR

JOEY, UMAMING MAS LOVE NA ANG IT'S SHOWTIME KESA SA EAT BULAGA! NG TAPE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 7, 2023




Hindi na nabulaga sina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon nang lumabas ang desisyon ng Intellectual Property Office of the Phils. (IPOPHIL) na nagtatanggal ng karapatan sa TAPE, Inc. sa paggamit sa pangalan ng Eat… Bulaga! sa kanilang noontime show.


Diretsong sinabi nina Tito Sen, Tito Joey at Bossing Vic na kahit sa simula pa lang nang ipaglaban nila sa korte ang kanilang karapatan bilang creator ng Eat… Bulaga!, alam na nila sa kanilang sarili na nasa right track sila at tama ang kanilang ipinaglalaban.


Dagdag pa nga ni Tito Sen, "Kung alam naming mali kami, bakit namin ipipilit? Nakakahiya, kakapalan ng mukha 'pag ipinilit namin kung alam naming mali kami? Kaya inilaban namin dahil alam naming kami ang nasa tama."

Pinasalamatan din nila ang kanilang abogadong si Atty. Enrique dela Cruz na napakagaling daw magsalita kaya pumabor sa kanila ang desisyon ng IPOPHIL, bukod nga sa napakatibay na ebidensiya na hawak-hawak nila kung paano nagsimula ang pangalan ng Eat… Bulaga!.


Du'n nga naikuwento ni Master Henyo Joey na nasa kusina siya ng bahay nina Tito Sen. nang maisip niya ang title na Eat… Bulaga! noong 1979, at inamin naman daw ni Mr. Romeo Jalosjos na isa nga ang Eat… Bulaga! sa mga pinagpiliang maging title ng noontime show, kaya ru'n pa lang, lumabas na kung sino talaga ang 'crEATor' ng Eat… Bulaga!.


Kaya naman, ayaw mang tanggapin ng TVJ 'yung word na 'vindicated' sila sa laban sa TAPE, Inc. na producer ng Eat… Bulaga!, masayang-masaya raw sila dahil sila ang ni-recognize ng korte at sa awa ng Diyos ay pumabor din sa kanila ang desisyong gamitin ang Eat… Bulaga!.


Kaya naman kahapon ay malaya nang naisigaw ng TVJ at ng Legit Dabarkads ang E.A.T… Bulaga! sa kanilang noontime show sa TV5.


Pati ang theme song ng Eat… Bulaga! ay kering-keri na rin nilang gamitin, na ang kantiyaw pa nga ni Tito Joey, hindi magamit ng kabila (TAPE, Inc.) dahil sa linyang… "Sina Tito, Vic and Joey," hahaha!


Hirit pa ng Master Henyo, nakikisali pa raw ang It's Showtime sa laban nila ng Eat… Bulaga!


dahil din sa 'It' sa title nito, pero mas mahal na raw niya ang It's Showtime dahil sa ABS-CBN ito kung saan sila nanggaling dati kesa sa Eat… Bulaga! ng TAPE, Inc., hahaha uli!


And speaking of It's Showtime, tinanong na rin namin ang TVJ kung ano'ng feeling nila na mas nauna pang nag-promote si Alden Richards ng Family of Two movie nito sa Kapamilya noontime show kesa sa E.A.T. sa TV5?


Hindi naman kaila sa lahat na sa original Eat… Bulaga! nagsimulang sumikat si Alden katambal ni Maine Mendoza.


Sagot ni Tito Sen, “Walang problema, dapat nga mag-promote sila sa lahat. Saka, contract star ng GMA si Alden, alangan namang 'di siya mag-promote du'n. We have no problem with that at all."


So, 'yun na! Welcome raw si Alden anytime, lalo na kung kasama nito ang co-star sa Family of Two na si Megastar Sharon Cuneta.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page