top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

JILLIAN, IBINENTA NA ANG MGA KOTSE

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 6, 2023
1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 06, 2023



Inamin ni Jillian Ward na natuto na raw siya ngayon sa pag-handle ng kanyang pera at hindi na raw siya ganu’n kagastos.


Ayon sa tinaguriang Star of the New Gen sa online mediacon ng pagbibidahang bagong episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na Captain Kitten, ibinenta na niya ang kanyang mga mamahaling cars.


“Well, sa totoo lang po dati, medyo magastos po ako. Kumbaga, meron pong endorsements, tapos bibili po ako ng car.


“Pero ngayon po na mas marami na po akong nakakasalamuha, medyo mas nagiging mature na po, naisip ko na po 'yung long-term. Actually, ibinenta ko na po 'yung ibang mga cars ko at kapalit po nu'n, bumili ako ng lote,” pagbabahagi ni Jillian.


Ngayon daw ay mas iniisip na niya ang kanyang kinabukasan, ang pinagpaguran niya sa loob ng 13 years sa show business.


“Sine-secure ko na rin po 'yung future ko. Mas naging future-oriented na po talaga ako, kasi iniisip ko po, 13 years na po akong nagwo-work, since baby pa po ako, so sayang naman kung parang hindi ko po maalagaan 'yung mga earnings,” sey ng young actress.


“Sina Mama at Papa, nandidiyan po sila. Igina-guide po nila ako. So, ayun lang po, mas medyo careful po ako ngayon,” she added.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page