Jiaogulan tea, anti-cancer at gamot sa hepatitis, diabetes, sakit sa puso
- BULGAR

- Mar 31
- 3 min read
ni Dr/Atty. Erwin P. Erfe, M.D. @Sabi ni Doc | Mar. 31, 2025
Dear Doc Erwin,
Noong nakaraang biyahe ko sa bansang China ay pinainom ako ng isang tsaa na tinatawag nilang “Jiaogulan” tea. Ang sabi sa akin ay kilala ito sa ilang lugar sa China na maraming centenarians o mga taong may edad mahigit sa isang daan taon, bilang “Herb of Immortality”.
Bumili ako ng Jiaogulan tea at inuwi ito sa Pilipinas. Araw-araw ay umiinom ako nito dahil ayon sa nakausap kong eksperto sa Chinese medicine, ito ay ginagamit na gamot sa hepatitis, diabetes at sakit sa puso. Mayroon din daw itong anti-cancer effect.
Nais ko sanang malaman kung ano ang Jiaogulan tea at may mga pag-aaral na ang mga scientist tungkol sa epekto ng Jiaogulan laban sa cancer. Maraming salamat at sana'y matugunan n'yo ang aking katanungan. — Maria Christina
Maraming salamat Maria Christina sa iyong pagliham at pagsubaybay sa Sabi ni Doc at BULGAR newspaper.
Maraming salamat din sa iyong katanungan dahil ang Jiaogulan tea ay isa sa mga natural remedy na ginagamit ng mga doktor na bihasa sa Traditional Chinese Medicine o TCM na kinakailangang malaman ng publiko.
Ang halamang Jiaogulan na may scientific name na ‘Gynostema pentaphyllum’ ay tumutubo sa iba’t ibang bansa katulad ng China, India, Japan, Thailand, Malaysia at sa Pilipinas. Naging kilala ang Jiaogulan sa loob ng 500 taon na ginagamit bilang pagkain at supplemental food product. Ginagamit din ang tuyong dahon nito bilang tsaa (tea), at bilang health supplement sa mga inumin, biscuits, noodles, face washes at bath oils.
Batay sa isang toxicity studies na inilathala sa Journal of Ethnopharmacology noong 2013, ang halamang Jiaogulan ay kinokonsiderang safe at walang harmful effects na naiulat kahit sa mataas na dosage na 1000 milligrams per kilogram per day.
Ayon sa mga isinagawang analysis ng halamang Jiaogulan, marami itong mga bioactive components katulad ng saponin, flavonoids at sterols. Dahil sa mga sangkap nito na nabanggit, naniniwala ang mga scientist na epektibo ito sa iba’t ibang health conditions gaya ng obesity, hyperlipidemia, at inflammation. Ang Jiaogulan ay kasalukuyang ginagamit bilang gamot laban sa diabetes, hepatitis at cardiovascular diseases.
Tungkol sa iyong katanungan sa epekto ng Jiaogulan sa sakit na cancer, ayon sa pag-aaral ng mga scientist sa bansang Japan na nailathala noong November 1983, may tumor suppression activity ang Jiaogulan.
Sa isang review article na nailathala sa scientific journal na Chinese Medicine noong September 27, 2016, ang mga extracts mula sa halamang Jiaogulan ay may inhibitory activity o kayang pigilan nito ang pagdami ng cancer cells ayon sa mga laboratory at animal studies. Base naman sa mga clinical studies sa human subjects na binanggit sa review article na ito, ang Jiaogulan ay may potential curative effects laban sa cancer.
Anu-ano kaya ang pamamaraan kung paano nilalabanan ng Jiaogulan ang pagtubo at pagkalat ng cancer? Anong mekanismo kaya ang paraan nito upang pagalingin ang sakit na cancer?
Ayon sa review article na nabanggit, naniniwala ang mga scientist na may sari-saring mechanisms of action ng paglaban sa cancer (anti-cancer activities) ang Jiaogulan katulad ng cell cycle arrest, apoptosis, inhibition of invasion and metastasis, inhibition of glycolysis at immunomodulating activities.
Sa isang pag-aaral ng isinagawa noong 1993 sa 59 na pasyente, mas mababa ang rate ng cancer relapse at rate ng metastasis sa mga pasyenteng nakatanggap ng Jiaogulan kumpara sa control group.
Ganito rin ang naging resulta ng isang five-year observational study na ginagamot gamit ang Jiaogulan. Bukod sa pagbaba ng cancer relapse at metastasis rates, bumaba rin ang mortality rates at lumakas ang immune system ng mga pasyente na pinainom ng Jiaogulan.
Sa isa pang pag-aaral na isinagawa at inilathala noong 2015, naging mas epektibo ang chemotherapy kasama ang Jiaogulan sa mga may advanced gastric cancer patients.
Consistent ang mga pag-aaral sa pagiging epektibo ng Jiaogulan laban sa cancer. Dahil sa mga nabanggit na studies, makakaasa tayo na patuloy na pag-aaralan ng mga scientist ang Jiaogulan bilang gamot laban sa iba’t ibang uri ng cancer.
Maraming Salamat sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan. Kung may mga katanungan pa, mag-email lamang sa Sabi ni Doc sa e-mail address na erwin.erfe@gmail.com o sa doc.bulgar@gmail.com










Comments