JESSY, PUMALAG SA FAN PAGE NA NAGNANAKAW NG YOUTUBE CONTENT NILA
ni Nitz Miralles @Bida | November 22, 2023

Idinaan ni Jessy Mendiola sa Facebook ang pakiusap sa fan page gamit ang pangalan at larawan ng baby girl nila ni Luis Manzano na si Baby Peanut na irespeto sila ng kanyang anak.
Kasi naman, isa sa mga posts sa fan page ay picture ni Daniel Padilla na naggo-golf, may katabing dalagita at ang caption ay: “Sana All Ate!!! Hahahahaha! Alam naming kinikilig ka.”
Sana lang, pakinggan ang pakiusap ni Jessy na “Please naman po, ‘wag ninyong gamitin ang mukha ng anak ko sa page ninyo na nagpo-post ng mga ganitong videos. RESPETO naman po sa amin at sa anak ko!
“Ganyan ba ang fan page??? Ginagamit ang mukha ng anak ko para mag-share ng paparazzi video? Respeto naman!” dagdag ni Jessy.
Nasundan ‘yun ng isa pang pakiusap sa same fan page dahil ninanakaw ang content ng kanyang vlogs sa YouTube. Nagpapasalamat si Jessy sa support sa kanila ng fan page na Isabella Rose Manzano, kaya lang, galing ang content sa vlog niya.
“This “fan page” keeps stealing content from my YouTube vlogs. This “fan page” even blocked me when I requested that they just share the links out of YouTube vlogs. We spend time and effort to come up with content plus hours of editing, too. Sana naman, if you are really a fan of my daughter/family you respect our simple request,” hirit pa ni Jessy.
Nilinaw din ni Jessy na hindi sila o ang kanyang digital team ang nagma-manage ng fan page na nakabalandra ang photo ni Baby Peanut.





Comments