Jessy, jackpot, buhay-reyna talaga… NABULGAR: LUIS, MAY-ARI NG MARAMING GAS STATION
- BULGAR
- May 3, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 03, 2021

Ini-launch na ang bagong business na itinayo ng TV host-businessman na si Luis Manzano. Pagkatapos ng transportation, perfume, etc., gasoline station naman ang bagong negosyo ni Luis na unang itinayo sa Lipa City.
May ilang gasoline stations na rin ang FlexFuel sa Batangas. Ngayon ay target ng TV host ang Cavite.
Malalaking sites ang pagtatayuan ng FlexFuel kung saan inuuna nila ang pagtatayo sa Southern Luzon. Meron na rin sila sa Metro Manila.
Si Luis ang CEO/Chairman ng FlexFuel at may mga co-owners din siya na katuwang din niya sa business nilang LBR Taxi.
Ang sipag maglibot ni Luis sa mga pagtatayuan ng gasoline station. Binubusisi niya nang husto kung very convenient ba ang lugar kung saan lalagyan din nila ng mga establishments ang nasabing area.
Tuloy, ang daming nagsasabing buhay-reyna raw talaga ang misis ni Luis na si Jessy Mendiola sa piling niya.
Sobrang suwerte raw ng sexy actress dahil masipag na, super-bait pa ng asawa niya.
By the way, open din ang FlexFuel sa mga gustong maging co-owner ng gasoline station.





Comments