top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

JESSY, EXCITED GUMAWA NG BABY SA INUUPAHAN NILANG BAHAY NI LUIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 8, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 8, 2021






Napanood namin ang vlog ni Jessy Mendiola na house tour sa nilipatan nila ng asawang si Luis Manzano habang ipinapa-renovate ang bahay nila.


Malaki ang bahay na nilipatan ng mag-asawa na sabi ni Jessy, two years nilang titirahan dahil two years aabutin ang pagpapa-renovate sa dream house nila.


Malaki ang four-bedroom rental home na napili ng mag-asawa sa five houses na kanilang tsinek.


Nabanggit din ni Jessy na first time nilang makita ang bahay, na-in love agad sila ni Luis at lalong nagustuhan dahil may spacious garden sa likod. Puwede raw ang mga alaga nilang aso sa likod at dito rin ang outdoor gym ni Luis.


Kasama rin sa ipinakita ni Jessy ang tinawag niyang “Cloffice” o closet at office for herself at dito rin nakalagay ang iba pa niyang gamit. Sa area rin na ito nag-iisip si Jessy ng content sa kanyang YouTube channel.


Nagbiro rin si Jessy na baka sa rental home pa sila magkaroon ng unang anak ni Luis.


Pero, ang sigurado, sa inuupahang bahay ang first Christmas, first New Year at first Valentine’s Day nila as a married couple.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page