JERSEY NI FRANCIS M., BINIBILI NG P8 MILYON!
- BULGAR
- Oct 22, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 22, 2023

Simula nang mag-viral sa social media ang pagbebenta sa jersey ng yumaong Master Rapper na si Francis M. ng dati umanong karelasyon niyang flight attendant na si Abegail Rait, biglang tumaas ang value ng nasabing memorabilia ng singer-rapper.
Ang Pinoy Pawnstar vlogger na si Boss Toyo (Jayson Luzadas in real life) ang nakabili ng jersey ni Francis M. sa halagang P500 thousand!
Pero matapos nito, isang collector din umano ang gustong bilhin kay Boss Toyo ang nasabing jersey sa halagang P8 million, pero tumanggi ang vlogger.
Samantala, may mga chika rin na matagal nang hiwalay sina Pia at Francis nang maging magkarelasyon ang rapper at si Abegail. Kaya, unfair daw na akusahan ang flight attendant na isang homewrecker.
May anak sila ni Francis, ang 15-year-old na si Franchesca na magaling din daw mag-rap at gusto ring pumasok sa showbiz.





Comments