top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

JENNYLYN, SOLONG PINALAKI ANG ANAK, PATRICK, ABSENT NA TATAY

Writer: BULGAR
BULGAR
38 minutes ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 3, 2026



BULGARY - JENNYLYN, SOLONG PINALAKI ANG ANAK, PATRICK, ABSENT BILANG TATAY_IG _mercadojenny & _onlypatrickgarcia

Photo: IG _mercadojenny & _onlypatrickgarcia



Dahil sa Patrick Garcia brouhaha, muling nag-viral sa social media ang dating interbyu ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa young mom noon na si Jennylyn Mercado.


Bago pa man nakilala bilang isa sa mga hinahangaang aktres ng kanyang henerasyon, naranasan na ni Jenn ang isang papel na hindi niya maaaring bitawan — ang pagiging ina kay Alex Jazz.


Sa murang edad (21 lang siya noon), kinailangang harapin ni Jennylyn ang pagiging single mom habang patuloy na nagtatrabaho sa showbiz.


Hindi naging madali na pagsabayin ang pag-aalaga kay Jazz at ang sunud-sunod na trabaho, pero sa isang lumang panayam kay Kris sa Kris TV, malinaw kung gaano niya sinikap na manatiling present sa buhay ng kanyang anak.


Sa naturang interview noong 2015, diretsahang tinanong ni Kris si Jenn tungkol sa paghihiwalay nila ni Patrick noong buntis siya.


Sey ni Kris, “Nag-break kayo, ‘di ba, nu’ng buntis ka?”


Sagot ng aktres, “Yes... Medyo ano, emotional ako nu’n at saka depressed ako talaga.”

Napag-usapan din nila kung gaano kabilis kinailangan ni Jennylyn na bumalik sa trabaho matapos niyang manganak kay Jazz sa pamamagitan ng cesarean section (CS).


Tanong ni Kris, “How soon did you have to go back to work?”

Ani Jenn, “Eight months. CS ako, eh... Nagpahinga lang ako saglit, tapos balik na agad ako ng work.”


Ipinaliwanag din ni Jennylyn na nagkaroon siya ng problema sa kanyang surgical wound habang nagpapagaling.


Sabi ni Jenn, “‘Yung sugat ko, kasi bumukas pa s’ya, eh, after mga four months, nag-pop out ‘yung [sugat]...”


Isa sa pinakamahahalagang bahagi ng kanilang usapan ay nang tanungin ni Kris kung sino ang tumutulong kay Jennylyn sa pagpapalaki kay Jazz.


Sey ni Kris, “Who helps you in raising Jazz? Kasi you’re alone, wala kang kapatid... May pinsan ba na close?”


Sagot ng aktres, “Wala rin.”

Ani Kris, “So you do it all by yourself?”

Sey ni Jenn, “Ako lang talaga, Miss Kris. Mahirap, sobra.”


Ikinuwento rin ni Jennylyn kung gaano kabigat ang kanyang schedule noon bilang aktres at ina. May mga panahong halos wala na siyang oras para makauwi sa bahay.

Sambit niya, “Kasi sa totoo lang, Miss Kris, halos ‘di na talaga ako nakakauwi. Uuwi ako para maligo, tapos alis ulit ako.”


Dahil dito, sinikap niyang maisama si Jazz kapag may trabaho siyang maaaring dalhin ang anak.


Patuloy niya, “Isinasama ko lang s’ya sa mga live shows ko, tapos ‘pag may mga out of town ako, isinasama ko na rin para lang makasama ko s’ya.”


Sa puntong ito, nagbigay naman si Kris ng pananaw tungkol sa pagiging magulang at sa pagtanggap ng mga oportunidad sa trabaho.


Ayon kay Kris, “It doesn’t make you a bad parent if you grab all these opportunities, kasi sine-secure mo lang ‘yung kinabukasan.”


Mahalaga rin sa kanilang pag-uusap ang desisyon ni Jennylyn na payagan si Jazz na maging ring bearer sa kasal ni Patrick kay Nikka Martinez.


Pahayag ni Jenn, “Kinausap ako ng wife n’ya, nagpaalam sila kung puwedeng kunin na ring bearer si Jazz. Sabi ko, ‘Sige,’ tapos pinasukatan ko na ng suit.”

Nang tanungin naman kung bakit hindi siya dumalo sa kasal, simple ang naging sagot ni Jennylyn.


Aniya, “Ayoko naman [pumunta] kasi moment nila ‘yun.”

Ang interview ni Kris sa Kapuso aktres ang magsisilbing mga ‘resibo’ ng pinagdaanan niya—hindi para manira ng kahit na sino, kundi para ipakita kung gaano kabigat ang responsibilidad na kinaya niya noon.





Hindi lang ang mga tropeong iniuwi ang naging kapansin-pansin sa katatapos na 3rd Puregold CinePanalo Film Festival Awards Night kundi pati ang ilang awardees na hindi nakadalo sa seremonya.


Kabilang sa mga hindi personal na nakatanggap ng kanilang tropeo sina Juan Karlos ‘JK’ Labajo, na itinanghal na Panalong Aktor para sa Mono No Aware; Zanjoe Marudo, Panalong Pangalawang Aktor para sa Apol of My Ai; at Momoko Kobayashi, Panalong Pangalawang Aktres para sa Mono No Aware.


Ayon sa ulat, nasa Japan si Momoko nang idaos ang awards night.

Samantala, hindi naman tinukoy ang dahilan ng hindi pagdalo nina JK at Zanjoe.

Sa kabila nito, ipinagkaloob pa rin sa kanilang mga kinatawan ang mga tropeo ng mga awardees na hindi nakarating.


Kaya kahit wala ang ilan sa mismong entablado, hindi naman nabawasan ang bigat ng mga tropeong ipinagkaloob sa kanilang husay sa pag-arte.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page