JENNYLYN, 'DI PAPALITAN SA SERYE NILA NI XIAN
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 31, 2021

Nanghihinayang man ang mga tagahanga ni Jennylyn Mercado sa pagkaka-shelved ng serye niyang Love.Die.Repeat kung saan kapareha niya si Xian Lim, masaya na rin sila dahil sa wakas ay engaged na ang aktres kay Dennis Trillo at nakatakda nang magpakasal.
Inamin na rin nila sa publiko na 3 months preggy na si Jen. Kailangan na niyang magpahinga dahil maselan ang kanyang pagbubuntis.
Naiintindihan naman ng pamunuan ng GMA-7 ang sitwasyon ni Jennylyn kaya willing na maghintay ang network kung kailan siya puwedeng bumalik sa trabaho.
Walang balak ang GMA-7 na kumuha ng kapalit ni Jen para lang matapos na ang Love.Die. Repeat na ginastusan na nang milyones ang production budget.
Three days na lang sana at tapos na tapos na ang serye. Pero, nangyari nga ang medical emergency ni Jennylyn kaya kailangang itigil muna ang teyping.
Sa ngayon, ang pag-aayos sa kanilang kasal ang pinaghahandaan nina Jen at Dennis.
Pareho silang excited at masaya dahil malapit na rin silang magka-baby.





Comments