JENNYLYN AT DENNIS, TAMEME SA KUMALAT NA KASAL NA NU'NG SEPT. PA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 14, 2021

Nagulat at nalito kami sa isang balitang biglang-biglang lumitaw sa YouTube few days ago kung saan nabanggit na nagpakasal na diumano (thru civil wedding) sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na ginanap daw sa QC Hall. Si Mayor Joy Belmonte pa raw ang nagkasal sa dalawa.
Parehong nakasuot ng puting casual dress sina Jennylyn at Dennis. September pa raw naganap ang nasabing civil wedding.
Si Jennylyn Mercado raw ang may gustong makasal na sila ni Dennis kahit sa civil lamang. Gusto niyang maging ganap na siyang Mrs. Ho bago niya isilang ang anak nila ni Dennis Trillo.
May plano pa rin naman daw na magkaroon sila ng church wedding in the future kapag normal na ang lahat.
Well, hindi namin alam kung totoo ngang may naganap na civil wedding kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo o kung ito ba ay fake news lang. Bigla rin kasing nawala sa YouTube ang nasabing balita.
Wait na lang din tayo kung aaminin o idedenay nina Jennylyn at Dennis ang nasabing civil wedding.





Comments