top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Jayda, wagi ng Best Music Video sa International Film Festival Manhattan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 25, 2021




Nasungkit ni Jayda Avanzado ang Best Music Video award sa ginanap na International Film Festival Manhattan (IFFM) 2021 para sa kanyang Paano Kung Naging Tayo? music video na nagsilbi ring directorial debut niya.


Sa isang pre-recorded award acceptance speech, nagpasalamat si Jayda sa independent film festival sa New York para sa pagkilala at sa mga taong bahagi ng produksiyon ng music video.


“I’d like to give thanks on behalf of my co-director Edrex Clyde Sanchez, his team ECS Films, my label Star Music, and everybody involved in this project. We appreciate this recognition of our hard work and passion,” aniya.


Nagpahatid din siya ng pasasalamat kay ABS-CBN Music head Roxy Liquigan at sa mga tagasuporta niya at nangakong umpisa pa lang ito ng pagsabak niya sa pagdidirek.


Samantala, kasabay ng pagkapanalo nito sa IFFM 2021, umabot na rin sa isang milyon ang views ng Paano Kung Naging Tayo? sa YouTube. Sa emosyonal na video, katambal ni Jayda ang dating PBB: Otso housemate na si Rhys Miguel.


Bukod sa Paano Kung Naging Tayo?, nominado rin sa Best Music Video category ng IFFM 2021 ang music video niya para sa M.U. (Malabong Usapan) kung saan tampok ang kapwa niya ABS-CBN talent na si Francine Diaz.


Sa bagong panalo na ito, patuloy lang ang matagumpay na taon ng Kapamilya singer-songwriter, na nagpasiklab sa kanyang kauna-unahang major concert at naglabas ng kanyang debut studio album ngayong 2021.


Sa international recognition na ito, kasama na rin si Jayda sa mga kapwa niya artists na unti-unting nakikilala sa ibang bansa sa pagpapatuloy ng ABS-CBN na ibida ang talento ng mga Pinoy sa buong mundo.


Well, for sure ay proud na proud kay Jayda ang kanyang mga magulang na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page