top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Japan, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 8, 2021
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | October 8, 2021



Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Chiba Prefecture sa northwestern Japan, kabilang ang Tokyo.


Ayon sa Meteorological Agency ng Japan, may lalim ang lindol na 80 kilometers na nagdulot ng damage sa mga building, blackouts, at pagkakatigil ng operasyon ng mga tren.


Naganap ang lindol pasado alas- 9 ng gabi ng Huwebes oras sa Pilipinas.


Kaagad na nag-set up ng emergency response task force ang kanilang gobyerno.


Nilinaw din ng ahensiya na walang tsunami warning matapos ang paglindol.


Inaalam din ng mga otoridad kung may mga napinsalang gusali o nasaktan sa naturang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page