top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

JANNO, NAHARANG SA IT'S SHOWTIME, ABS-CBN, BINANATAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2021
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 14, 2021



Deleted agad ang ipinost ni Janno Gibbs na sentimyento niya sa It's Showtime pagkatapos siyang sabihan na hindi tuloy ang guesting niya sa Kapamilya noontime show. Pati ang ABS-CBN ay 'di lang pinatamaan kundi sinumbatan pa ni Janno.


Supposed to be, may schedule raw na guesting si Janno sa It' s Showtime pero na-cancel noong Biyernes ng gabi.


"Hanggang ngayon pa ba naman, ABS? Nu'ng Sanggano part 1, alam n'yo bang si Andrew at Dennis lang ang pinayagan mag-guest? Ako, bawal," caption ni Janno sa ipinost niyang logo ng It's Showtime.


"Nu'ng ipinaglalaban n'yo ang prangkisa n'yo ay nakisimpatya pa ako. 'Kala ko'y lumambot na ang puso n'yo matapos ang inyong mga pinagdaanan. Hindi ba dapat ay nagtutulungan tayo sa hirap ng lagay ng industriya ngayon?


"Masyado namang matindi ang galit n'yo sa akin. Oo, kailangan ko kayo at hindi n'yo ako kailangan. Ngunit ano ba naman ang ilang minuto para makapag-promote lang ng pelikulang malapit sa puso ko?" mensahe ni Janno.


May mga netizens ang nakisimpatya sa kanya, pero marami rin ang lumait kay Janno.


"Baka raw kasi ma-late ka na naman. Proud na proud ka pa kasi d'yan. Inilagay mo talaga sa IG handle mo, kakaloka ka."


"'Wag ka na kasi um-attitude at ma-late! Na-trauma na ang mga networks sa 'yo."


"GMA-7 nga at Eat… Bulaga!, inalis 'yan, kahit nga sa NET25, inalis 'yan, nega talaga 'yan."


"'Yung time na namamayagpag ang SOP sa GMA, lagi n'yang pinapatamaan ang kabilang show na ASAP. Laging proud siya sa SOP. Like saying na, 'Meron ba kayo n'yan?'"


Nagtanong naman ang ibang netizens kung ano ang naging atraso ng ABS-CBN kay Janno.


"Nag-sign siya noon sa ABS-CBN Records, expected niya isasama siya sa ASAP. Nu'ng nag-reboot ang ASAP to ASAP Natin 'To, nag-post siya ng 'ASAP nila 'yan, 'di ako kasama.' Tapos sabi niya, 'ABS-CBN, baka nakalimutan n'yo 'ko, may contract ako sa inyo.' Eh, apparently, iba ang ABS-CBN Records sa ABS-CBN television, I think."


"Ang issue po niya, 'yung hindi siya isinama sa Station ID ng ABS pero sina Regine at Ogie na kalilipat lang, 'andu'n. Nag-rant siya sa socmed, after that, parang banned na siya sa ABS."


"Nagreklamo kasi siya before na hindi siya isinama at pinakanta sa Station ID ng ABS-CBN kahit contract star pa siya ng Star Music."


Bumilib naman ang isang netizen sa pagiging prangka ni Janno.


"Gusto ko 'yung walang prenong statement, 'wag mo burahin 'yan, Janno!"


Pero agad ngang nawala ang post na ito ni Janno sa socmed.


Sey naman ng ilang netizens, "Ambilis mag-screenshot, deleted na niya 'yan."


"Wala na, deleted na. See, 'di niya kayang panindigan mga sinasabi niya. Konting kibot, post agad, tapos may mga nakakaaway pa. Sino'ng network naman magtitiyaga sa kanya?"


May point siya, hah?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page