JANE, NAMIGAY NA NG TULONG, NAG-NINANG PA SA BABY NG DELIVERY RIDER
- BULGAR
- Nov 18, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 18, 2021

Hindi pa man naipapalabas ang Darna ay nagpamalas na ng kabayanihan ang Kapamilya star na si Jane de Leon. Viral sa socmed hanggang ngayon ang delivery rider na tinulungan ni Jane.
Mismong si Jane ang kumontak sa delivery rider na si Hershey Manuel na nag-viral ang piktyur kasama ang kanyang sanggol habang nagde-deliver gamit ang kanyang bisikleta.
Umagaw ng atensiyon ng mga netizens ang five-month-old baby ni Hershey na pinapadede niya sa feeding bottle habang nakaupo sa basket sa unahan ng bisikleta.
Pagkatapos magpaabot ng tulong ni Jane kay Hershey, personal pang pinuntahan ng bagong Darna ang delivery rider.
Sa Facebook account ni Hershey, makikita ang ipinost nitong larawan ni Jane nang bumisita sa kanila at kinarga pa ang sanggol ng delivery rider.
"Maraming-maraming salamat po, Darna Jane De Leon at sa buong team po nila. Hinding-hindi ko po malilimutan 'to na pinuntahan n'yo pa po kami at kayo po mismo ang nag-chat sa 'kin para matulungan kami kahit sobrang busy n'yo po. Pagpalain pa po kayo lalo ng Panginoon para marami pa po kayong matulungan. Maraming-maraming salamat po talaga," caption ni Hershey sa kanyang FB post last October 29.
Pahabol na post pa ni Hershey, "May ninang na Darna na ang anak ko."
Bukod kay Jane, dumagsa rin ang tulong kay Hershey mula sa mga netizens at pulitiko.
Ang dami ring comments ng mga netizens sa FB post ni Hershey.
"Congratulations sa inyo, Sir. Hello kay Baby Ma, merong ninang na Darna."
"Jane De Leon, waaah, ang bait talaga ng queen namin. Well deserved talaga maging Darna."
"Congrats! (Heart) po Darna Jane De Leon, ang bait mo. God bless you po sa kabaitan mo. Ang cute2x ni baby."
Speaking of Darna, nagsimula nang mag-shoot si Jane para sa kauna-unahan niyang pagbibida sa programa ng ABS-CBN. Kumalat na sa socmed ang ilang behind-the-scene photos sa shoot ng Darna.
At ang susunod na pa-big reveal ng Kapamilya serye ay ang pag-shoot naman ng scenes ng artistang gaganap bilang si Valentina.
Natsismis noon na ang role na Valentina ay gagampanan ng aktres na si Iza Calzado.
But it turned out, she will play the role of Leonor Custodio, the “first Darna," a “prime warrior” from the fictional planet Marte and will become the mother of Ding and Narda.
Wow, mala-Connie Nielsen sa Wonder Woman ni Gal Gadot ang datingan ni Iza sa Darna.





Comments