JAMES, BAGUHANG SINGER ANG IPINALIT KAY NADINE
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 13, 2021

Sa Instagram account ni James Reid, may post siyang larawan kasama ang mga kaibigan habang nakasakay sa bangka.
May kasamang girls ang grupo at may nagsasabing isa sa mga ito ay ang bagong singer-songwriter ns si Jolianne Salvado.
Hinala ng mga netizens, ang bagong singer ang new love ng Fil-Am singer-actor.
Pinuna ng netizen ang looks ni Jolianne, "Mahilig si James sa mga average looking girls."
Pagtatanggol naman ng iba, "And so? Kailangan ba, palaging maganda at pogi ang nagsasama?"
"Grabe 'tong comment. So judgmental. Kung may anak ka, sana, hindi mo turuang husgahan o estimahin ang kapwa sa hitsura."
"Tama. At kung may anak ka, sana, walang magdya-judge sa anak mo't tawaging average-looking."
"Total downgrade. Pero maganda boses niya."
"Downgrade from what? 'Kala mo naman good catch si N."
"Maganda boses niya pero 'pag walang star aura, ang hirap, eh."
"Dahil 'di maganda sa paningin mo at 'di sikat, downgrade na? Babaw naman ng batayan mo. Walang downgrade kung tanggap siya nu'ng lalaki."
"Ganyan talaga mga type niya."
"False. She's his artist under Careless plus she's a minor."
"18 na siya. 'Di na siya minor, 'noh."
"2 years na silang wala ni Nadine. Both of them deserve naman makahanap ng new love at maging happy. Silang dalawa nga, wala namang sinabing masama against each other kaya sana, 'wag na magbangayan ang mga faneys.
"About James' choice of who to date, it's none of anyone's business. Kung 'di type ng fans at netizens si girl, he gives zero care kasi siya naman ang karelasyon. Kung 'di pretty, ibig sabihin lang, mahal talaga ni James kasi sa ibang aspeto na-in love, hindi sa pisikal."





Comments