JAKE AT MGA PULIS SA CAR CHASE, NAGKAAYOS NA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 27, 2021

Ayon kay Kylie Versoza, wala siya sa Manila nang masangkot ang boyfriend niyang si Jake Cuenca sa car chase with the police authorities last October 9.
Nagsu-shooting daw siya sa Mindoro that time and couldn’t be with Jake pero open naman ang linya nila ng boyfriend at namo-monitor niya ang pangyayari.
“Sobrang nalulungkot po ako sa nangyari, and to be really honest, isinu-shoot ko po talaga ‘yung Sisid nu'ng nangyari ang incident na ‘yun. And hindi ako nakatulog,” kuwento ni Kylie sa digital conference ng bago niyang pelikula sa Viva na My Husband My Lover.
“Parang nawala rin ako sa sarili ko dahil I was so worried and it took time for me to know the real story, pero I just really feel bad for all parties involved,” dagdag ng aktres.
Matatandaang nagkaroon nga raw ng trauma si Jake sa nangyari and good thing ay nakaka-recover na ito ngayon.
“Jake is getting better, he’s recovering. I’m happy na nagte-taping siya ngayon, may show siya sa ABS-CBN,” she said.
Natutuwa rin ang aktres na naayos na ang problema sa pagitan ni Jake at ng mga pulis.
“Naayos naman na po. I think the official announcement will be sometime next week. Okay na po. So, very unfortunate event lang siya for all parties,” ani Kylie.
During those times ay magkausap daw sila ni Jake at talagang tsine-check niya ito every hour.
“Magkausap kami and happy ako na sinasagot niya pa rin ‘yung phone, na very responsive siya sa akin every time I would call. Tumatawag ako every hour to check up on him.
“I just fully support him and I know he’ll get through this,” ani Kylie.
Samantala, isa sa mga pinaka-daring na movie ng former beauty queen ang My Husband My Lover base sa trailer pa lang. Ginagampanan niya rito ang papel ng isang married woman pero natukso pa ring umibig sa iba.
Sa trailer pa lang ay maiinit na love scenes na ni Kylie with her two leading men na sina Marco Gumabao at Adrian Alandy ang mapapanood. Idagdag pa si Cindy Miranda na hindi rin nagpatalbog sa mga daring scenes.
Mula sa direksiyon ni Mac C. Alejandre ang My Husband My Lover.





Comments