Jaclyn Jose, pumanaw sa edad na 60

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 3, 2024

Pumanaw na ang award-winning actress na si Jaclyn Jose nu'ng Linggo, Marso 3, sa edad na 60.
Kinumpirma ng kanyang malapit na kaibigan na si Jinggoy Estrada ang pagkamatay ng beteranang aktres.
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang management ni Jaclyn na PPL Entertainment Inc. kalaunan at humingi ng respeto para sa pamilyang naiwan ng aktres.
Pahayag ng PPL entertainment, "It saddens us to inform everyone of the untimely passing of Miss Jaclyn Jose. More details will be shared as soon as they are available. The Guck and Eigenmann families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn her passing, and navigate these difficult times."
Wala pa namang pahayag ang pamilya ng beteranang aktres tungkol sa biglaang pagkamatay nito habang sinusulat ang artikulo.





Comments