top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Iwas-COVID-19… Bigayan ng regalo, stop! — DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2020
2 min read

ni Lolet Abania | November 10, 2020




Naglabas ng panuntunan ang Department of Health (DOH) patungkol sa mga pagdiriwang at selebrasyon na magaganap sa mga pamilya ngayong nalalapit ang Kapaskuhan.


Bukod sa pagbabawal kamakailan DOH sa paggamit ng videoke, ipinapayo ng ahensiya sa publiko na limitahan ang gagawing social interaction nang mas mababa sa 15 minuto.


Ito ay sa dahilang lumabas sa pag-aaral na kahit ang pagkakaroon ng 15 minutong pakikihalubilo ay posibleng magresulta sa pagkakaroon ng infection ng COVID-19. Kadalasan, tumatagal ang pag-uusap ng pami-pamilya kapag may gift-giving at family dinner.


"So, kung hindi naman natin magagawa ‘yan, kailangan lang magkaroon ng pag-avoid sa mga ganitong gatherings. O ‘di kaya if we can maintain social distancing or physical distancing during this gathering," sabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire.


Ayon kay Vergeire, mas mabuti kung ang selebrasyon ng pamilya ay gagawin sa mga lugar na well-ventilated o open spaces.


Gayundin, sabi ni Vergeire pinapayagan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ng hanggang 10 katao lamang ang maaaring magsama-sama habang sa modified GCQ ay mayroong 50 bisita.


"That is still a lot of people and infection may occur," sabi ng kalihim.


"Kaya nga po sinasabi natin, baka naman puwede na ma-avoid na lang natin 'yung mga ganitong pagkakataon during the holidays, talagang within the households muna ang magsaya. Ang mga ibang kamag-anak, maaari naman through social media o mga Zoom na tinatawag natin ngayon," dagdag ni Vergeire.


Binanggit din ni Vergeire na isa pang dapat iwasan ang pagkakaroon ng buffets. Aniya, sakaling nanaisin ng pamilya na magkaroon ng gatherings, kailangan na packaged meals ang gawin sa halip na sinasandok isa-isa ang mga pagkain.


"Para hindi na tayo nagsasabay-sabay sa pagkuha ng pagkain, hindi rin tayo nagkakasalo-salo sa pagkain," ani Vergeire.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page