Ivana, pinalitan… BEA, CALENDAR GIRL NA RIN NG ALAK
- BULGAR
- Nov 21, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 21, 2021

Sunud-sunod ang endorsements ni Bea Alonzo, at kalo-launch lang ng Jollibee commercial nila ni John Lloyd Cruz, meron pa siyang Glade at heto pa, si Bea rin ang 2022 Tanduay Calendar Girl.
Sa November 23, 2021 ang endorsement reveal nito na tiyak, aabangan para makita kung gaano ka-sexy ang photo shoot ng aktres.
Kung ang Jollibee ay “Perfect Pair” ang tagline, ang Tanduay naman ay “The Perfect Match.”
November pa lang, may December pa at baka may sumunod pang ilo-launch na endorsement si Bea.
Expected na ng mga supporters ni Bea na magiging controversial ang pagkapili sa kanya na 2022 Tanduay Calendar Girl dahil hindi naman sexy ang image niya and after Ivana Alawi na Tanduay Calendar Girl 2021, siguradong may magkukumpara sa lalabas na layout, photos at billboard to promote her as Tanduay’s 2022 Calendar Girl.
And speaking of Bea, this month na raw ang start ng shooting ng movie nila ni Alden Richards na Special Memory at umaasa ang mga fans ng dalawa na matuloy na.
Lagi kasing namu-move ang shooting schedule nito, but this time, sure na raw at kailangang masimulan ito ni Alden bago lumipad ang aktor for San Francisco, California for Christmas vacation.
Nailatag na siguro ng Viva Films, APT Entertainment at GMA Pictures ang shooting schedule ng movie na naka-schedule na next year ang showing.





Comments