IVANA, P1 MILYON ANG B-DAY GIFT SA MADIR
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 18, 2021

Muling pinatunayan ng sexy star-vlogger na si Ivana Alawi ang kanyang pagiging mabait, mapagmahal at super-generous na anak.
Mula sa kanyang kinikita sa You Tube Channel niya ay nabilhan niya ang kanyang pamilya ng house and lot at mamahaling sasakyan.
Nakapagbakasyon din silang mag-anak sa mga dinarayong tourist spots.
At recently, nang magdiwang ng kaarawan ang mama ni Ivana ay isang malaking sorpresa ang kanyang iniregalo. Habang nagbabakasyon sila sa isang vineyard-resort sa Batangas, may inihandang birthday treat si Ivana para sa kanyang ina.
Naglaan siya ng P1 million bilang birthday gift na hinati-hati niya sa sampung cheques na P100 thousand each.
Isinabit ni Ivana ang nakabalot na tseke sa mga sanga ng ubas na nasa vineyard at dito rin naka-setup ang handa para sa may kaarawan.
Hinayaan ni Ivana na mamitas ng tseke ang kanyang ina hanggang sa umabot ng P1M ang kabuuan.
Kitang-kita naman ang sobrang tuwa ng mama ni Ivana sa birthday surprise ng kanyang anak.
Gusto rin ni Ivana na dalhin ang kanyang pamilya sa Amanpulo para magbakasyon, pero tumanggi ang kanyang ina nang malaman na gagastos sila nang halos kalahating milyon para lang sa dalawang araw na bakasyon sa Amanpulo.





Comments