top of page
FRANKLY - ANNOUNCEMENT SA PAGBUBUNTIS NI SARAH, INAABANGAN NA-IG _matteog.jpg

IVANA, LUMUSONG SA BAHA PARA MAMIGAY NG TULONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 55 minutes ago
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 29, 2026



BIDA - IVANA, LUMUSONG SA BAHA PARA MAMIGAY NG TULONG_FB Circulated

Photo: FB / Circulated



Hindi nagpaapekto sa mga bashers si Ivana Alawi at tuloy lang sa pamamahagi ng tulong sa mga binaha. Ang akusasyon sa kanya, ginagamit for content ang kanyang pagtulong. 


Noong isang araw, nasa Apalit, Pampanga siya at siya ang personal na nagbigay ng bag of goods sa mga residente. 


Lumusong sa baha si Ivana at dahil may suot na boots, hindi nababad ang kanyang mga paa.


Ipinagtanggol ng ilan si Ivana sa mga nag-comment kung bakit siya lumusong sa baha, puwede naman daw doon sa lugar na walang baha o kaya, nasa loob siya ng sasakyan. 

Sagot ng mga nagtanggol kay Ivana, sa halip na i-bash ang aktres, dapat gayahin ito at tumulong din sa mga nangangailangan.





Babu na raw sa showbiz, Kim…

PAULO, MARAMING NABUDOL



ANG daming nabudol ni Paulo Avelino sa kanyang post sa Instagram (IG) at inakalang iiwan na talaga nito ang showbiz. Saka lang na-relax ang mga fans nito nang mabasa nang buo ang kanyang post.


“To my fans, my kababayan, and everyone I’ve worked with:

“After a lot of prayer and some hard conversations at home, I’m stepping away from everything effective October 31. The movies, the teleserye, all my endorsements. Everything.


“GTA (Grand Theft Auto) 6 is out November 19. PoE2 hits 1.0 on December 11, and they finally added swords. I watched the Extended Look last night and I have not been okay since.





“To my legal counsel, please tell everyone lining up to sue me that I’m available March 2027. I’ll have 100% GTA completion and a build nobody can touch by then. Sue me at my peak.


“‘Wag n’yo akong i-tag sa mga clips. Babalik din ako. Basta. God bless po.”

May more than 1k comments na ang IG post na ito ng aktor at karamihan ay nabudol. 


Sa sobrang nerbiyos ng iba sa nabasa, may nag-palpitate at may natakot. 

Nang mahimasmasan at nalamang maglalaro lang ito ng video games, nag-wish na lang ang mga fans na mag-enjoy siya.


Maraming celebrities din ang biglang maa-out of reach sa nabanggit na petsa dahil gamers muna sila.





NAKA-POST sa Instagram (IG) ni Dingdong Dantes ang “Every Cinema. One Big Day. Save The Date 09.12.” 


Ito ‘yung panawagan na bumalik sa panonood ng sine ang mga moviegoers. Nagtutulung-tulong ang mga taga-industriya para sipagin na uli na manood sa mga sinehan ang mga Pilipino.


And speaking of Dingdong, nanalo ng gold sa ContentAsia Awards 2026 ang docu series na siya ang naging host, ang Broken Roads, Broken Promises bilang Best Factual Entertainment Programme Made in Asia for a Single Market in Asia.


Dahil sa pananalong ito, siguradong lalong mai-inspire ang aktor to host more documentary shows tungkol sa mga problema sa bansa, para na rin makarating sa gobyerno na kulang pa ang tulong na ibinibigay nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page