IVANA, KAY MARCO NAGPAHAWAK NG LEGS, PERO KAY JOSHUA TODO-KILIG
- BULGAR
- Oct 15, 2021
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 15, 2021

Tikom ang bibig ni Marco Gumabao sa isyu sa kanila ni Ivana Alawi.
Bagama't aminado siyang laging inspired dahil hindi siya nawawalan ng work kahit na may pandemic, hindi niya masabi kung sino ang inspirasyon niya ngayon.
Pero, kamakailan ay bumulaga nga sa social media ang pagbi-videoke nila ng sexy actress-vlogger na si Ivana.

Hindi naman nagbigay ng kumpirmasyon o nag-deny si Marco kung may relasyon silang dalawa kahit pa nakahawak siya sa hita ni Ivana sa video. Pero, hindi itinanggi ng aktor na inlab siya.
“I’m inspired,” sambit ni Marco sa isang panayam.
Dagdag pa niya, “But I’m always inspired."
Ang best friend ni Marco na si Julia Barretto ang sumundot ng, “Marco, ano ito, bakit wala akong alam?"
Clueless niyang tanong uli sa actor, “Ano ba ‘yung balita?”
Sagot naman ni Marco, “Later, I will send it to you."
Pero bakit nang mapanood namin ang interbyu ni Ogie Diaz kay Ivana sa kanyang vlog, hindi man lang nabanggit si Marco Gumabao? Instead, mas naging bukambibig niya si Joshua Garcia.
Ani Ivana, sobra raw siyang kinilig nang i-greet siya ng actor ng happy birthday.
Sabi nga ni Mama Ogs, "Baka akala mo, may dala kami para sa iyo, ha? 'Wag kang umasa, Ivana, dahil wala kaming sorpresang ilalabas sa 'yo."
Nakipagkulitan naman ang sexy vlogger.
"Alam ko naman, eh, may taping sila."
"Updated ka sa kanyag ganap, ha?" sambit naman ng talent manager-writer-vlogger.
"Nagte-text-an kaya kami," buweltang sagot naman ni Ivana.
"Alam mo ang number niya?" tanong tuloy ni Mama Ogs.
"Hindi, DM lang, nahiya akong kunin number niya, eh."
Tanong pa ni Mama Ogs, kung iba-vlog daw ba niya once na nagkaroon na siya ng boyfriend?
Ayon naman kay Ivana, "Dapat kapag nag-upload ako ng guy, kailangan, 'yun na ang magiging mister ko.
"Ano 'yun, kung hindi kami ang nagkatuluyan, 'di ide-delete ko siya sa vlog ko, hindi ako nagde-delete ng na-upload ko na.
"Kaya dapat, siya na talaga 'yung guy na mapapangasawa ko," sabi pa ni Ivana.
Hayan, hintayin po natin kung sino kina Marco at Joshua ang mapapanood natin sa YouTube channel ng sexy vlogger.




Comments