IVANA, INAMIN NG ANAK NI SEN. JINGGOY
- BULGAR

- Jan 25, 2021
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 25, 2021

Pumasok na rin sa showbiz ang isa pang anak ni former Sen. Jinggoy Estrada na si Jolo Estrada. Pumirma siya ng contract last Saturday sa LVD Management ni Leo Dominguez at aminado ang talent manager na talagang siya ang nagpursige na i-manage ito.
Kuwento ni Leo, kinakitaan niya agad ng potensiyal si Jolo nang makita niya ito last year kaya tinawagan niya at kinumbinseng mag-artista. Pero tumanggi raw ito.
“Nu’ng nakita ko siya, sabi ko, 'Leading man ‘to, may character, may potensiyal.' So, kinontak ko siya. Tapos, sabi niya, he’s busy with his business, he’s not ready, ganu’n-ganu’n. So, nag-‘No’ siya, pero hindi pa rin ako tumigil, humanap ako ng ibang paraan para mapa-oo siya,” kuwento ni Leo.
As for Jolo, dati na rin siyang nag-artista at nakasama sa isang pelikula ng kanyang ama pero tumigil dahil mas priority niya ang magtapos ng college. Nakatapos siya ng Entrepreneurship sa Ateneo at pagkatapos ay nagtayo ng negosyo.
Nang kontakin siya ni Leo, at first daw talaga ay ayaw niya, pero after giving it some thought, naisip niya na bakit hindi niya subukan since graduate na rin siya and hindi siya masyadong busy ngayon dahil sa pandemic.
“So, sabi ko, why not give it a shot once more, wala namang mawawala. So, I’m just taking this opportunity and I’m hoping for the best,” aniya.
When asked kung sino ang gusto niyang maging leading lady if ever, binanggit niya si Ivana Alawi.
“Kasi, pantasya siya ng mga kalalakihan ngayon, ‘di ba? Saka feeling ko, bagay kami kung magtatambal,” he said.
Pero ang gustung-gusto raw niya talagang makatrabaho ay si Angelica Panganiban dahil bilib siya sa kahusayan ng aktres noon pa at alam niyang marami siyang matututunan dito.
Natanong din siya kung willing bang gumawa ng boy’s love or BL genre na usung-uso at aniya ay open siya sa kahit ano’ng role o proyekto basta’t maipapakita niya ang kanyang kapasidad bilang aktor.
“I don’t mind whatever the project is. Basta it would challenge my capabilities as an actor, I will take it. So, BL, straight, anything is fine with me,” sey ng 27-anyos na binata.





Comments