top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ivana, gustong maging housemate sa PBB

BULGAR
Oct 15, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 15, 2021



Isa pala sa mga pangarap noon ni Ivana Alawi ay ang matanggap at makapasok siya sa Bahay ni Kuya at maging isa sa mga housemates sa Pinoy Big Brother. Pero sad to say, na-reject daw ang beauty niya noong nagpalista siya sa PBB.


Maraming auditions at star search shows din ang sinalihan ni Ivana pero lahat ay hindi siya sinuwerteng pumasa. “Reject Queen” nga ang tawag niya sa kanyang sarili.


Sa lahat ng kabiguan at rejections na kanyang naranasan ay hindi nasiraan ng loob si Ivana. Inisip na lang niya na maaaring may ibang bagay na nakalaan sa kanya. Hindi niya iniyakan ang mga kabiguan sa buhay.


Hanggang sa naisipan niya na subukang mag-vlog at dito nga siya sinuwerte. Nagpakatotoo si Ivana sa kanyang mga vlogs na ginawa. Inilabas niya ang kanyang tunay na ugali at pagkatao.


Nagustuhan ito ng mga nakapanood. Hanggang sa nagkaroon na siya ng 13 M subscribers sa kanyang YouTube channel.


Sikat na sikat na si Ivana Alawi sa social media. Kumikita na siya nang malaki sa YT. Pero, gusto pa rin daw ni Ivana na pumasok sa PBB at tuparin ang kanyang pangarap noon.


Handang i-give-up ni Ivana ang kanyang 13 M subscribers kapag nakapasok na siya sa PBB. At handa niyang gawin ang mga tasks na ipagagawa sa kanya kapag nasa loob na ng Bahay ni Kuya.


Hindi rin ine-expect ni Ivana na bibigyan siya ng special treatment sa PBB dahil sikat na siya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page