Itinago lang muna para maka-sure…"I AM PREGNANT. HAHAHA!" — WINWYN
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 19, 2021

Speaking of baby, kinumpirma na mismo ni Winwyn Marquez ang matagal nang kumakalat na tsismis ukol sa pagbubuntis niya.
Sa ginanap na grand media presscon ng isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan ni Winwyn, ang NELIA, inamin niyang masaya siya ngayong Pasko dahil dalawang bagong “role” ang ginagampanan niya.
Una, ang pagiging ina, at ang first lead role niya in films.
“Yes, first time,” simula ni Winwyn.
“Kasi sa TV, lagi akong kontrabida, never akong nagbida sa isang long series. Sa pelikula naman, siguro, ang pinakamalaking ginawa ko, with Vhong Navarro, Unli.Life. Pero ito talaga ‘yung first title role na ibinigay sa akin. Sabi ko, paulit-ulit, sa mga interviews, ‘Sure po ba kayo?' Sa mga producers, sa manager ko, kung sure po ba kayo na ako ‘yung kukunin n’yo?
Kasi never pa akong nagbida talaga. So, sabi ko, hindi ako maniniwala hangga’t hindi ako nagsu-shooting, kasi ‘di ba, baka kasi palitan. ‘Yung mga ganu'ng instances, hindi ako nag-expect.
"But nu’ng nag-shoot na kami, doon lang nag-sink in sa akin. Mas grabe ‘yung pressure kaso challenging din siya since psychological suspense thriller ‘yung movie. Tapos, katatapos ko lang mag-locked-in ng rom-com. So, iba rin ‘yung pag-adjust ko sa paggawa ng movie,” lahad ni Winwyn.
“Yes, I’m actually expecting. I AM PREGNANT. Hahaha!
“I tried siyempre, gusto ko munang itago hangga’t hindi muna sure ang lahat, ‘di ba? I-enjoy muna with me and my family. And hindi ko rin naman in-expect na lalabas ang Nelia sa MMFF.
And I took it siguro as sign na rin na i-share kasi mahirap naman itago. Kasi kailangan ko rin namang sumagot kahit online. Gusto ko ring pumunta sa presscon and be with everyone kahit na nag-a-adjust pa ang body ko in everything.
“I’m actually on my second trimester. Medyo nasa dulu-dulo na. So, medyo kabado kahit paano, kaya hindi rin ako lumalabas masyado. So, that’s the news. Nahiya ako bigla,” sabay tawa ni Winwyn.
Sabi-sabi, masuwerte raw ang buntis sa business at sa iba pang aspeto ng buhay, kaya hopeful ang mga producers ng Nelia na magiging successful critically and box office wise ang 2022 MMFF movie entry.
Kasama rin sa Nelia sina Raymond Bagatsing, Lloyd Samartino at marami pang iba sa direksiyon ni Lester Dimaranan, showing on December 25.





Comments