top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

IT'S SHOWTIME HOSTS, NAGPARADA SAKAY NG FLOAT, PUMIRMA NG KONTRATA SA GMA-7

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 21, 2024
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 21, 2024




Trending ang “#GoodNewsSaShowtime” sa X (formerly Twitter) ilang oras bago ang inaabangan na contract signing ng Kapamilya noontime show na It’s  Showtime with GMA-7 top executives kahapon.


Sa X din makikita na naka-post ang video ng It’s Showtime hosts na naglalakad palabas ng studio at pasakay sa isang mini-open trunk na mistulang “float.”


Ito na nga ang sinakyan ng mga hosts na naghatid sa kanila sa GMA-7 for the formal contract signing para sa pagpapalabas ng It’s Showtime sa Kapuso Network.


Pumarada ang It’s Showtime hosts from ABS-CBN going to GMA-7 na nasa kanto ng EDSA at Timog Avenue.


Kani-kanyang reaksiyon naman ang mga netizens sa balitang ito. Ang ilan ay nagpahatid ng excitement sa show at nag-congratulate sa Showtime family. 


Ani ng isang commenter, “Ang SHOWTIME lang 'ata ang naikot na lahat ng station.


MABUHAY Showtime!”


Hindi pa naman, kasi may NET25 pa at PTV4 kung usaping TV network talaga. At saka, may SMNI bagama't may tsika na tinanggalan na sila ng prangkisa.


Sa ngayon, umeere sa mga channels na A2Z, GTV, Kapamilya Channel and streams on YouTube and Facebook platforms via channels Showtime Online, Kapamilya Online Live, as well as iWantTFC ang show nina Vice Ganda.


Sa pag-take-over ng It’s Showtime sa noontime slot ng GMA-7, may mga pinagdidiskusyunan ang mga netizens sa X. 


Una, kung iko-co-produce rin daw kaya ng Kapuso Network ang It’s Showtime this time after ng programa sa tanghali ng TAPE, Inc. or mananatiling blocktimer din ang It’s Showtime sa Siyete?


Sey naman ng isang komento, “ABS-CBN Studios pa rin ‘yung nag-iisang logo sa taas ng Showtime logo, so I guess blocktime/profit sharing agreement pa rin and hindi co-production with GMA.”


Siyempre, kumpleto at pinaghandaan ng mga It’s Showtime hosts ang tinawag ng mga netizens as ‘historic signing.’ 


Well, simula nang umere ang It’s Showtime noong 2019,  nadagdagan na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Karylle, Amy Perez, Teddy Corpuz at Jugs Jugueta at nakasama sa kanilang pagdami sina Darren, Ryan Bang, Ion Perez, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, at Cianne Dominguez.


Komento tuloy ng isang fan, “I’m genuinely happy for Darren. Deserved na deserved maging mainstay host. His chemistry with the hosts is natural & genuine. May wit & substance kausap at charming pa. The ‘bunso’ of Showtime. Gen-Z representative. Congrats, @Espanto2001 #ShowtimeSaGMA #GoodNewsSaShowtime


Sumaya rin ang mga fans ni Kim sa nalalapit na pag-ere ng It’s Showtime. 


Nag-congratulate naman ang isang fan ng Kapamilya show na mukhang nang-aasar, “Congratulations It's Showtime family, pinaglalapit talaga ng tadhana sina Kim and Xian.”


Tuluyan na rin kayang magbabalik-GMA-7 sina Karylle at Ogie na nakasama sa longest Kapuso comedy show na Bubble Gang?


At mapapanood na rin kaya sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa It’s Showtime?


Well, everything is possible now on TV, lalo pa’t tuluyan nang natibag ang network war.


Hopefully!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page