It's Showtime, 12 days masususpinde… VICE, 'DI MATANGGAP NA MAWAWALA DAHIL SA ICING
- BULGAR
- Sep 11, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 11, 2023

Sa It's Showtime nu'ng Sabado (September 9), napakanta si Vice Ganda ng "'Di ko kayang tanggapin na mawawala dahil sa icing," nasa himig ng kanta ni April Boy Regino na 'Di Ko Kayang Tanggapin.
Kinaaliwan si Vice Ganda ng audience at ng mga kapwa hosts.
Na-gets nila ang ibig sabihin ni Vice na dahil sa 'icing lick' incident nila ng boyfriend na si Ion Perez sa isang episode ng It's Showtime, heto at pinatawan ng MTRCB ang Kapamilya noontime show ng 12-day airing suspension.
Hanggang ngayon ay live pa rin namang napapanood ang programa.
Matatandaang sa inilabas na pahayag ng MTRCB kaugnay sa kanilang 12-day suspension, nabanggit doon na kabilang ang icing lick episode ng It's Showtime sa mga dahilan ng kanilang pagkakasuspinde.





Comments